Baron Geisler arrested for allegedly causing commotion in restobar

IMAGE Twitter (Divine Reyes)

Controversial actor Baron Geisler was arrested Monday evening for allegedly causing a commotion in a restobar in Quezon City. The actor vehemently denied the allegation and accused the police of arresting him without due process. 


Ilang linggo pagkatapos ma-lift ang ban sa kanya ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI), nasangkot na naman sa isang gulo ang aktor na si Baron Geisler.

Inaresto ang 35-year-old-actor dahil sa panggugulo diumano sa isang restobar sa Tomas Morato, Quezon City, Lunes ng gabi, October 16.

Ayon kay Chief Superintendent Christian dela Cruz ng Kamuning Police Station, dakong ika-siyam ng gabi nang magtungo ang kontrobersiyal na aktor sa TGIF.

Banned na umano si Baron sa naturang establisimyento dahil sa tangkang panggugulo nito noon.

Subalit pinayagan ng management na makapasok si Baron kagabi dahil mukha naman daw itong kalmado.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online, nagsimula ang tensiyon nang maging “medyo unruly” si Baron matapos makainom, kaya pinabantayan ito sa mga guwardiya.

Base naman sa ulat ng GMA News Online, nanigaw umano ng customers at staff members ang aktor.

Ikinairita raw ni Baron ang mga nakapaligid na guwardiya sa kanya kaya minura at itinulak ang mga ito, dahilan upang magtayuan at magtakbuhan ang ibang customers.

Agad namang tumawag ng pulis ang management ng restobar.

Dahil sa insidente, balak daw ng manager ng restobar na kasuhan si Baron ng unjust vexation at alarm and scandal.

BARON DENIES CAUSING COMMOTION. Samantala, inamin ni Baron na nakainom siya, subalit itinangging nagsimula siya ng gulo.

Sa video na ipinost ng ABS-CBN News Online, sinabi ni Baron na tingnan ang kuha sa CCTV ng TGIF, mula ika-9 ng gabi hangang ika-12 ng madaling-araw, upang masaksihan ang nangyari.

Tinanong ang nakaposas na si Baron kung nakainom ba siya.

Sagot ng aktor, “You know, it doesn’t really matter. Just get the copy of what I did.

“Hinuli nila akong basta-basta.

"I was just sitting down quietly just enjoying my drink... yes, para masagot yun, yeah, I had a few drinks."

Pero diin ni Baron, "I was very, very, very quiet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So please, do not speculate, just get the right evidence, is that you need, please.

"Because this is very uncomfortable, seriously."

BARON ACCUSES POLICE OF BEING UNJUST. Sa isa pang video na ipinost ng broadcast journalist na si Divine Reyes sa Twitter, mapapanood ang nakaposas na si Baron habang nasa presinto.

Dito ay mainit na ang ulo ng aktor at inakusahan ang pulis na hindi sumunod sa tamang proseso sa pag-aresto sa kanya.

Sabi ni Baron, “This is unjust! This is inhumane!

“You know me, I tell kaagad. Pag may sala ako, I keep quiet.

“But this time, dude!

“Because I look like an addict, I have long hair, mali na agad? Papakinggan nila?

“Di ba, may due process 'yan?

“Dapat kausapin, ‘Ano’ng nangyayari? Gulo.’

"Hinuli ako kaagad na hindi man lang ako… p*tang *na, nagwawala.

“Ngayon, nagwawala ako. Mali ‘to, e!”

Hindi ito ang unang pagkakataong naiulat na nakipagtalo si Baron sa staff member ng isang bar dahil ayaw siyang papasukin.

June 2015 nang kumalat ang video kung saan mapapanood si Baron na nakikipagsigawan sa security guard ng isang bar sa Angeles City, Pampanga.

Ayaw siyang papasukin dahil nakainom at lasing na raw ang aktor noong sandaling iyon.

Dumipensa naman ang management ni Baron na isang uri ng diskriminasyon ang ginawa ng namamahala ng bar dahil sa hindi pagpapapasok sa aktor.


Stories We Are Tracking

<p>Baron’s altercation with bouncer caught on video</

Baron’s altercation with bouncer caught on video

<p>Baron Geisler camp speaks up on Pampanga bar incident</p&g

Baron Geisler camp speaks up on Pampanga bar incident


BARON'S PROMISE. Nito lamang Setyembre ay binawi ng PAMI ang kautusan nilang bawal makipagtrabaho ang kanilang mga alaga kay Baron sa mga pelikula at teleserye.

Ito ay bunsod ng reklamo ng aktor na si Ping Medina pagkatapos siyang ihian ni Baron sa isang eksena ng kanilang ginagawang pelikula, kahit wala naman ito sa script.

Sa tulong ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson na si Liza Diño-Seguerra, napakiusapan ang PAMI na bawiin na ang kautusang pagpipigil sa kanilang mga talent na makipagtrabaho sa kontrobersiyal na aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangako naman si Baron na papatunayan at ipapakita niya ang pagbabago sa sarili.

Saad niya, “Naisip ko nga rin, kung magkaproyekto nga ako, for the peace of mind of my co-actors and peace of mind of the production team and the director, kahit na maglagay pa siguro sila ng clause sa kontrata...

"Parang, 'If we smell you like alcohol, we can waive your talent fee' or just fire me right away.

“Handa naman ako to do that, which is also good para sa peace of mind ng lahat.

“Up to that extent, papayag ako para lang, you know, makatrabaho ako nang maayos.”


Stories We Are Tracking

Baron Geisler grateful for lifting of PAMI ban
Baron Geisler grateful for lifting of PAMI ban


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN