Kean Cipriano on church wedding with Chynna Ortaleza: "Hindi ito yung uso ngayon na big showbiz wedding."

IMAGE Ruel Mendoza

Kean Cipriano, seen here with daughter Stellar, admits to having an entirely different set of priorities now that he is a family man.


Sa November 7 na gaganapin ang church wedding ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

Ngunit nagpauna na si Kean na simple lamang ang kanilang kasal ng Kapuso actress.

Ayon sa 30-year-old musician-actor, "It’s a very simple wedding. Very intimate.

“Mga family members namin at mga close friends namin ang nandoon.

“Yun din kasi ang gusto ni Chynna.

“She’s been personally attending to every detail of the wedding. 

"Hindi ito yung uso ngayon na big showbiz wedding na milyun-milyon ang halaga. Hindi kami kasi ganun.

"All we want is the proper blessing of the sacrament at ma-share namin ang moment na iyon with our families and friends.”

In love with your mind including all your short circuits! ? #TheCips #tildeathwedoart @niceprintphoto

A post shared by Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza) on

MEETING “THE ONE.” Nataon na sa November 7 din ang second anniversary nina Kean at Chynna, kaya tamang-tama raw na isakatuparan na nila ang matagal nang pinaplanong church wedding.

Sabi ni Kean sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "We got married civilly last year sa Marikina.

“Marami ang nagulat talaga na we got married at akala nila biglaan. 

"Pero it’s not, because naging quiet lang kami ni Chynna with our relationship.

"Nasabi ko noon sa sarili ko, when I meet the right girl, siya na ang pakakasalan ko.

“And Chynna is that girl, she is the one, and now she’s the mother of our daughter Stellar.”

Sana raw ay maintindihan ng media ang hiling nilang maging private ang kanilang wedding.

"Wala sanang magtampo from the media.

“Pero siyempre, alam naman ninyo, we want to feel that moment with the people we love.

"We hope that our friends from the media will understand yung wish naming dalawa ni Chynna.

"Ise-share naman namin sa social media ang mga photos and videos soon!

“Kaya paki-like at pusuan niyo naman!” sabay tawa ni Kean.

EMBRACING FATHERHOOD. Malaking pagbabago raw ang naidulot ng pagiging ama ni Kean sa anak nila ni Chynna na si Stellar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "God made me realize kung gaano lang ako kasuwerte that these people came into my life.

"Noon kasi, wala akong goal sa buhay.

“Motto ko is YOLO [You Only Live Once].

“Ngayon, hindi ako puwedeng mamatay, kasi may anak ako na gustong makasama hanggang sa magkaroon na siya ng pamilya niya.

“Fatherhood gave me more responsibilities. It opened my eyes to the fact na ganito lang ako kaliit sa mundong ito.

“There are more things I should do, and that is to provide a good life for my family.

"Kaya, as much as possible, lahat ng araw ay makasama ko ang anak at misis ko.”

Dagdag pa ni Kean, kung dati ay tulog siya pagdating ng Linggo, ngayon daw ay mas may rason siya “to wake up in the morning.”

Wala pa raw silang balak ni Chynna na sundan si Stellar.

"Huwag muna. We are still enjoying na siya muna.

"Stellar is so malambing at marami na siyang nagagawa. 

“When I sing, she sings din. When her mommy dances, she dances din. 

"Ayokong may ma-miss akong moment sa anak ko. 

"Kaya everything I do now, it's all for her.

"I work for her, provide for her, dream for her."

Dagdag pa ni Kean, "And to my wife, she's the best.

“I knew that Chynna would be that girl na makakasama ko na bumuo ng mga pangarap kasama ang anak namin."

BUSY YEAR. Isa sa pinaka-busy na taon ang 2017 para sa lead vocalist ng bandang Callalily.

Bukod sa kanilang kasal ni Chynna, 34, abala rin si Kean sa kanyang banda at paggawa ng mga pelikula. 

Saad niya, "It's a very busy year for me, and I feel so blessed.

"Ako naman, basta trabaho 'yan at magiging maganda ang resulta, I'm all for it.

"Nakakatuwa lang na mas marami tayong nakakatrabaho na bagong artista at direktor. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas ginaganahan tayo kapag alam [mong] may matututunan ka sa mga katrabaho mo."

Mapapanood si Kean bilang babaerong mister ni Cristine Reyes sa pelikulang Seven Sundays.

Ginagawa niya ngayon ang Brillante Mendoza film na Hilom.

Ito ay tungkol sa mga doktor na nakadestino sa baryo, at kasama niya rito si Julia Montes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN