Mark Neumann on being a freelance artist: "Basta I can work, okay na sa akin yun. A role is a role."

IMAGE Screen grab from ABS-CBN

Okay lang daw sa young actor na si Mark Neumann ang magkaroon ng supporting roles kahit nagbida na siya noon sa Baker King ng TV5 network. "It's a nice feeling kasi, it humbles you, di ba? Like my humble beginnings before, noong sa England pa nga ako nagwo-work, di ba? So, it's no different for me if bida role o suporta role."


Wala raw kontrata sa anumang network ngayon ang Fil-Croatian actor na si Mark Neumann.

“Freelance! Wala po akong sina-sign na kontrata,” sabi ng dating TV5 talent.

May mga nag-akala kasing dahil napapanood na siya sa ABS-CBN ay nakapirma na siya roon ng kontrata bilang isang Kapamilya.

Ngunit paglilinaw ni Mark, “I’m just guesting at the moment with ABS.

"I guested in ASAP and La Luna Sangre."

Bago ito ay inisip din ng marami na mula sa TV5 ay lumipat siya sa GMA Network dahil napanood siya sa Karelasyon noong September 2016.

“Guesting lang din,” sabi ng Artista Academy alumnus.

Wala siyang kontrata sa GMA-7 o sa ABS-CBN?

“No, no, freelance po at the moment.”

Tapos na rin ang kontrata niya sa Singko.

“Tinapos ko po, for respect tinapos po namin.”

Natapos ang kontrata niya sa TV5 July ng taong kasalukuyan.

Ibig sabihin, may kontrata pa siya noong nag-guest siya sa Karelasyon ng GMA-7.

“Pinayagan ako [ng TV5], over-the-bakod lang,” paliwanang ng Fil-Croatian young actor.

Kung papipillin siya, saang TV network siya pipirma ng kontrata—sa ABS-CBN o GMA-7?

Ayon kay Mark, “Kung saan yung… kasi I tried both networks, both networks are nice.

"At the moment, I have work sa ABS. So, kumbaga, kung saan nagna-knock yung opportunity, dun ako."

Si Mark ay talent pa rin ng Artista Talent and Events Management, na pag-aari ng manager/discoverer niyang si Gio Medina.

LA LUNA SANGRE EXPERIENCE. First time daw naranasan ni Mark ang araw-araw na taping sa primetime series ng ABS-CBN na La Luna Sangre.

“Tapos minsan, may kasamang Saturday, pero masaya naman kahit papaano,” pakli ni Mark.

Hindi ba pressure sa kanyang kasama siya sa show na ang mga bida ay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?

Tugon niya, “Hindi naman. It’s actually fun working with them.

"Kasi nakakausap ko din si Daniel, tapos nagkukulitan kami minsan sa set in between scenes, so walang pressure at all, wala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay lang daw kay Mark na matapos magbida sa The Baker King at iba pang shows ng TV5 ay support o guest lamang siya sa La Luna Sangre.

Aniya, “Okay lang sa akin kasi, I mean, ako naman, for me, it’s work lang.

"Hindi naman ako masyadong ano sa fame-fame.

"Basta I can work, I can get a nice role, okay na sa akin yun.

“Parang experience, dagdag-experience, and I don’t mind starting from the bottom.

“It’s a nice feeling kasi it humbles you, di ba?

"Like my humble beginnings before, noong sa England pa nga ako nagwo-work, di ba?

"So, it’s no different for me if bida role o suporta role.

“A role is a role.”

HOSTING PROJECTS. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa launch ng MNL48, ang Filipino adaptation ng record-breaking Japanese pop idol group na kilala worldwide bilang AKB48.

Si Mark ang host sa launch ng MNL48, ang talent show na produced ng Hallohallo Entertainment, Inc. (HHE) at ABS-CBN.

Ginanap ang launch (registration at audition) sa Sta. Lucia East Grand Mall sa Cainta, Rizal, nitong Sabado, October 14.

Nakapag-host na raw naman si Mark ng events dati.

“Pero ngayon, feeling ko, baka mas magiging frequent na.”

Sa launch lamang host si Mark ng MNL48; ang mga host ng MNL48 talent show sa regular run nito ay sina Anne Curtis, Billy Crawford, at ang grupong Hashtags.

Gusto ba talaga ni Mark maging host?

Tugon niya, "Yeah, of course!

"Any work naman sa akin, like, anything new to experience, gusto kong i-try.

"Kasi, para mas maging malawak yung skills ng isang tao, kailangan mong ma-experience yung iba’t ibang places, di ba?

“So, hindi ka lang dapat magse-settle sa isang bagay.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN