Ken Chan denies forgetting mentor-discoverer Kuya Germs's birthday

IMAGE Noel Orsal

Itinatwa ni Ken Chan ang intrigang parang nalimutan na daw nila ang kaarawan ng star builder-discoverer na si German 'Kuya Germs' Moreno. Simple lang daw ang ginawa nilang paggunita sa kaarawan nito last October 4 dahil hanggang ngayon ay malungkot pa rin sila sa biglaang pagpanaw nito last year. 


Noong October 4 sana ang ika-84 na kaarawan ng yumaong Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno.

Ngunit namayapa ang beteranong TV host at star builder noong January 8, 2016.

Obserbasyon ng ilang showbiz insiders, tila tuluyan nang nawalan ng ningning ang dati'y engrande at makulay na selebrasyon ng kaarawan ni Kuya Germs dahil hindi na ito naaalala ng mga taga-showbiz.

Naging tahimik lamang daw ang paggunita ng kaarawan ni Kuya Germs ng mga naiwang pamilya nito.

Kahapon, October 16, sa grand presscon ng pinagbibidahang pelikulang This Time I’ll Be Sweeter, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating alaga ni Kuya Germs na si Ken Chan tungkol dito.

Ayon sa 24-year-old Kapuso actor, hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin nila ang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang mentor-discoverer, kaya mahirap daw magkaroon ng isang bonggang selebrasyon.

“Siyempre po, nung birthday ni Tatay, sinelebreyt naman po namin yung birthday ni Tatay.

“Maybe because, until now, nalulungkot pa rin yung iba.

"Until now, kahit ako, e... na parang, until now, malungkot pa din.

“So, yun yung tipong gusto ko man siyang bisitahin sa puntod niya, hindi ko kaya.

"Hindi ko magawa, kasi parang ayoko siyang makita na nandoon.

“Hindi pa rin po ako makapaniwala.

"Kung pupunta man ako doon, kailangang may kasama ako, kasi malungkot."

Dagdag pa ni Ken, “So, imbes na alalahanin ng lahat na i-celebrate ang birthday ni Tatay, I think kaya nasasabi niyo na parang hindi naalala, not because hindi siya naaalala, kundi because marami pa ring nalulungkot.

“Imbes na i-celebrate, ipinagdadasal na lang namin si Kuya Germs.

“And sa family man ni Kuya Germs, at sa amin na close kay Tatay, sinelebreyt naman namin, katulad nung birthday niya last October 4.

"Pero hindi ako nakapunta dahil sa busy ng schedule sa pelikula na ginawa namin ni Barbie [Forteza].

"Nag-celebrate naman po yung mga mahal sa buhay ni Kuya Germs noong karaawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi na lang katulad dati na one month nagsi-celebrate si Tatay.

"Isang araw na lang, October 4."

Noong nabubuhay pa si Kuya Germs, isang buwan ang itinatakbo ng selebrasyon sa dating show nitong Walang Tulugan With The Mastershowman sa GMA-7.

Pumanaw si Kuya Germs, sa edad na 82, dahil sa cardiac arrest noong madaling-araw ng January 8, 2016.


Stories We Are Tracking

German Moreno passes away at 82
German Moreno passes away at 82

Samantala, ipalalabas ang pelikulang This Time I’ll Be Sweeter na pinagbibidahan nina Ken at Barbie simula sa November 8.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN