Enrique Gil clarifies "parang mag-asawa" remark on his relationship with Liza Soberano

IMAGE Noel Orsal

Enrique Gil on "parang mag-asawa" description of his relationship with Liza Soberano: "Bahala [sila] kung ano gusto nilang isipin, sinasabi ko lang na I'm matured. I know what I am doing, she knows what she is doing. Long term ang nakikita ko, hindi lang ito tweetums na puppy love. Yun ang gusto kong sabihin sa kanila."


Marami ang nagulat sa pahayag ni Enrique Gil na "parang mag-asawa" na ang lebel ng relasyon nila ng ka-love team niyang si Liza Soberano.

Ito ang eksaktong sinabi ni Enrique sa artikulong lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 12: "Para sa akin, kami na, e, lagyan mo ng label o wala.

"Parang parehas lang 'yan, sa akin ngayon, parang ganun na rin.

"Parang mag-asawa na kami, mag-asawa na yung level.

"Yun yung dating sa akin, ha, ganun yung nakikita ko.

"Wala na sa amin yun, wala na, over na kami doon.

“It’s more of long term na ito, ganun na kami. Iba, iba.”


Stories We Are Tracking

Enrique says Liza is a long-term love
Enrique says Liza is a long-term love

Bago kasi ito, consistent ang mga sagot nila sa interviews na bagamat mahal nila ang isa’t isa, wala pang pormal na relasyong namamagitan sa kanila.

Ito ay bilang respeto na rin daw sa kahilingan ng nagpalaking lolo kay Liza na hindi muna ito makikipag-boyfriend.

ENRIQUE EXPLAINS. Sa bagong panayam ng PEP.ph at Cinema News kay Enrique, sa blogcon ng pelikulang Seven Sundays noong nakaraang linggo, nilinaw ni Enrique ang pahayag niyang "parang mag-asawa" na sila ni Liza.

Ayon sa 25-year-old actor, "Nasabi ko lang sa reporter, I just want to let him know na we’re all matured, wala naman kaming masamang ginagawa, I’m serious.

"Parang nasa serious mode na kami ng relationship, na hindi kami nagpapa-tweetums lang.

"Matured naman kaming dalawa, at alam namin."

Dagdag niya na may halong inis, "Parang he’s putting me and Liza in a bad spot. Ayoko na lang masyadong pag-usapan.

"Gusto ko lang sabihin, I’m a grown man."

Ayon nga kay Enrique, gusto lang niyang patunayang ang relasyon nila ni Liza ay hindi panandalian o pang-showbiz lang, gaya ng iniisip ng ibang tao.

Dagdag niya, "Lumabas pa ba? Di ko alam yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bahala [sila] kung ano gusto nilang isipin, sinasabi ko lang na I’m matured.

"I know what I am doing, she knows what she is doing.

"Long term ang nakikita ko, hindi lang ito tweetums na puppy love.

"Yun ang gusto kong sabihin sa kanila."

Kumusta ang lagay ng relasyon nila ni Liza? 

"Getting stronger, better than ever. We’re happy," sagot ni Enrique.

OUT OF DARNA. Samantala, inanunsiyo ni Enrique na hindi na siya makakasama sa cast ng Darna movie na pagbibidahan ni Liza.

Sabi ng Kapamilya actor, "Wala na ako sa Darna. It's final.

"Well, nag-meeting kami, wala na ako sa Darna. It’s final."

Sa kabilang banda, masayang-masaya naman si Enrique sa mainit na pagtanggap ng publiko sa Seven Sundays, na ayon sa Star Cinema ay kumita na ng mahigit P90 million sa takilya.

Aniya, "Super, super happy!

"I’m happy na lumabas na, at ang nababasa ko, ang daming naiiyak, ang daming natutuwa.

"I’m just happy that they learned something [from] it."

Hindi rin daw niya malilimutan ang bonding na nabuo sa pagitan ng buong cast ng pelikula.

"Sana maulit ulit soon, kaming lahat ng mga cast. Ayun, nakaka-miss sila, nakaka-miss din.

"Nagugulat nga sila kung ano ang ginagawa ko, okay daw yun. 'That’s very good, just stay on track.'"

Kasabay ng shooting ng Seven Sundays ay ang taping din ng fantaserye kung saan magkakasama muli sila Enrique at Liza, ang Bagani.

Ayon kay Enrique, "Yung Bagani, nagte-taping na kami.

"Me, Liza, Matteo [Guidicelli], Sofia Andres, Makisig [Morales].

"Dapat pilot lang kami, tapos di ko alam... I’m not really sure if until final na ako sa show na ito.

"Action na may halong fantasy, it’s really derived sa culture ng Philippines.

"Superhero? Yeah, parang ganun," he says about his role.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN