StarStruck 4 alumnus Jan Manual engaged to girlfriend of two years

IMAGE Courtesy: Janhilly Manual on Facebook

"It's a YES! #ThankYouLord," ang nakasaad sa Facebook status ni Jan Manual kagabi, October 17, matapos niyang mag-propose sa grilfriend na si Jamey Santiago. Halos tatlong taon na ang relasyon ng dalawa at ngayon ay handa na nilang i-level up sa pag-aasawa ang kanilang pagmamahalan. 


“It's a YES!”

Ito ang inanunsiyo ng Starstruck 4 alumnus na si Jan Manual, 31, sa Facebook account niya kagabi, October 17, hinggil sa pag-oo ng girlfriend na si Jamey Santiago, 26, sa kanyang marriage proposal.

Nangyari ang kanilang engagement sa Victorino’s Restaurant, sa Quezon City, kung saan sila unang nagkita at nagkakilala dalawang taon na ang nakalilipas.

Dinaluhan ito ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan, kabilang na ang ka-batch ni Jan sa StarStruck na si Aljur Abrenica (dulong kaliwa).


Si Jan, na kilala rin sa kanyang impersonation kay Manny Pacquiao bilang Pacboy, ay preacher sa Lifegiver Church.


Ang kanyang fiancée na si Jamey ay isa namang pastor at model-TV host.


Inabot daw ng nine months ang panliligaw ni Jan kay Jamey hanggang sa sagutin siya nito.


Sabi ni Jamey sa kanyang Facebook status pagkatapos ng kanilang engagement: “I am still in awe! It was in the same place 2 years and 10 months ago when I first met you and I am more than happy to finally say my second YES on the same spot.

"I was crying all through out. I can say that this was my dream engagement. Thank you Lord! Thank you to all our family, friends and disciples for journeying with us.

"Again, glad I've waited. #Engagedat26.”

Si Jan ay regular na napapanood sa gag show ng GMA-7 na Bubble Gang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN