Beauty Gonzalez clueless about rumored pregnancy of best friend Ellen Adarna

IMAGE Allan Sancon / Instagram

Beauty Gonzalez (left) on best friend Ellen Adarna and John Lloyd Cruz (right photo): "I can see na nagkakasundo sila and I can see that they really take care of each other. So, parang nakita na nila yung match nila sa isa't isa."

 


Wala raw alam si Beauty Gonzalez tungkol sa napabalitang buntis ang matalik niyang kaibigang si Ellen Adarna.

Bagamat nakakapag-usap sila ng kaibigan, hindi raw niya ito inuusisa tungkol sa mga pribadong bagay.

Paliwanag ni Beauty, “Of course, we get to talk once in a while but, you know, may sarili silang buhay.

"Ang sama naman if I’m going to text her, ‘Uy, buntis ka ba?’ out of nowhere.

"Hindi ko nga alam na may tsismis na ganun."

Nauna nang itinanggi ni Ellen ang isyung buntis siya sa eksklusibo niyang mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna dismisses pregnancy rumor
Ellen Adarna dismisses pregnancy rumor

Nakausap naman ng PEP.ph at iba pang reporters si Beauty sa premiere ng pelikulang Bes and the Beshie, Martes ng gabi, October 17.

MEANT FOR EACH OTHER. Ano naman ang masasabi ni Beauty sa napapabalitang relasyon ni Ellen sa aktor na si John Lloyd Cruz?

“Matanda na sila, uy, kaya na nila yun kung ano ang gusto nilang gawin,” tugon ng 27-year-old Kapamilya actress. 

Hindi pa tahasang inaamin nina John Lloyd, 34, at Ellen, 29, ang tunay na estado ng kanilang relasyon, subalit sa mga video at larawan sa social media, hindi maikakailang may espesyal na namamagitan sa kanila.

Bukod sa pareho niyang kaibigan sina Ellen at John Lloyd, ninang at ninong ang dalawa ng anak ni Beauty na si Olivia.

Kumbinsido naman si Beauty na masaya sina Ellen at John Lloyd sa kung anuman ang estado ng relasyon nila.

Pahayag niya, “Nakikita naman natin sa Instagram nila, sa kanilang dalawa, na masaya sila.

"And, I guess, wala din akong karapatan magsalita for them.

“But masaya ako para sa kanila. And I’m very happy for both of them.

“I can see na nagkakasundo sila and I can see that they really take care of each other.

"So, parang nakita na nila yung match nila sa isa’t isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit pa ni Beauty, na dating Pinoy Big Brother housemate, na si Ellen ang naging tulay upang makilala niya ang kanyang asawang si Norman Crisologo.

WATCH: What would Beauty Gonzalez do if she receives Ellen-John Lloyd wedding invitation?


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz spotted kissing Ellen Adarna in Paris
John Lloyd Cruz spotted kissing Ellen Adarna in Paris
Ellen Adarna vacations with John Lloyd Cruz in Morocco
Ellen Adarna vacations with John Lloyd Cruz in Morocco
Ellen Adarna posts video of her lying in bed with John Lloyd
Ellen Adarna posts video of her lying in bed with John Lloyd
Ellen Adarna calls John Lloyd Cruz her
Ellen Adarna calls John Lloyd Cruz her "bloggerjowa"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN