Jona doesn't mind being overshadowed by Regine Velasquez

IMAGE Noel Orsal

Jona on Regine Velasquez: "Ako po, para sa akin, siya pa rin ang ultimate star, Asia's Songbird."


Excited na si Jona na muling makasamang mag-perform si Regine Velasquez.

Magaganap ito sa Prima Jona concert ng ASAP mainstay sa The Theater, Solaire Resort and Casino, sa November 18.

Hindi naman pinapansin ni Jona ang anumang negatibong komento tungkol sa muling pagsasama nila ng Asia's Songbird sa entablado.

May ilan kasing nagsasabing maaaring matuon lang ang pansin ng mga manonood kay Regine, sa halip na kay Jona, sa kanilang performance.

Ayon sa 27-year-old Kapamilya singer, “Wala naman po sa akin yun, kung ang comment man po ng mga tao na nangibabaw si Ate Reg.” 

Kung si Jona ang tatanungin, mas mangingibabaw pa rin daw ang pagtanaw niya ng utang ng loob kay Regine, na itinuturing niyang mentor.

Si Jona—na dating kilala sa pangalang Jonalyn Viray—ang kauna-unahang winner ng dating singing search ng GMA Network na Pinoy Pop Superstar, kung saan si Regine ang host.

Nagkasama rin ang dalawa sa mga dating Sunday musical-variety shows ng GMA-7 na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All Stars.

Ngayon ay nasa bakuran na ng ABS-CBN si Jona at regular na napapanood sa ASAP.

Saad ng dating La Diva member, “Kasi, ultimately, parang sobrang laki po talaga ng nagawa niya for my career.

“Siyempre, umpisa pa nga lang po ng Pinoy Pop Superstar hangang sa ngayon po, sobrang laki po ng suporta niya sa akin.

“So, kung ano man po yung sabihin ng mga tao, ano ko po yun parang wala lang po sa akin yun.

“And I’m very very happy na, this time, makakasama ko po ulit siya sa Prima Jona concert ko po, and very excited to do another duet with the Asia's Songbird.”

Nang tanungin kung ano ang mangyayari sa duet nilang ito, pabirong sagot ni Jona, “Siyempre po, katulad ng mga sinasabi namin, yung mga tanggalan po ulit ng mga ngala-ngala!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Jona sa press conference ng Himig Handog noong nakaraang linggo.

ULTIMATE STAR. Bago ang pagsasama nina Jona at Regine sa concert ng huli, magkakaroon muna sila ng duet sa 30th anniversary concert ni Regine na R3.0, sa MOA  Arena, ngayong October 21.

Hanggang ngayon, sabi ni Jona, isang karangalan pa rin ang makasamang mag-perform si Regine dahil mataas ang tingin niya rito.

“Ako po, para sa akin, siya pa rin ang ultimate star, Asia's Songbird.

“Kumbaga, sa ngayon po kasi, wala naman na po kailangang patunayan sa ating lahat si Ate Reg dahil marami na po siyang nagawa, napatunayan, at na-contribute po dito sa industry.

“So, wala na po kailangang patunayan ngayon, kumbaga, sabi nga nila.

“We are just celebrating her, on her big night, so yun na lang po.”

Mapapanood din ang R3.0 sa Linggo, October 22, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN