Heart Evangelista reveals she doesn't feel like a senator's wife

IMAGE Noel Orsal

For the first time, Heart Evangelista hints at having a baby in the near future. "Baka it's our time to shine as a family or something," she answered, when asked about plans of her husband, Senator Chiz Escudero, for the local election in 2019.

 


Wala raw nagbago sa buhay ng aktres na si Heart Evangelista mula nang mapangasawa niya si Senator Francis "Chiz" Escudero.

Ikinasal sina Heart at Senator Chiz noong February 15, 2015.

Ayon sa 32-year-old actress, “It turned out to be, Chiz is… I don’t feel like he’s a senator, I really don’t!

“Meaning, I still live my life, he doesn’t restrict me, I get to do what I need to do, like my work.

“Kasi yung mga iba, I’m sure they think if you’re a senator’s wife, hindi ka puwedeng matsismis, hindi ka puwedeng ganyan.

“Kailangan sa bahay ka, kailangan you have the perfect image of being the perfect wife, di ba?

“But, parang nothing has changed with my life.

"So, I like it, kasi I don’t feel like I’m in a box, and I think that’s how it should be."

Ano naman ang parte ng pagiging misis ng isang senador ang ayaw ni Heart?

Tugon ng Kapuso star, “Yung part na ayaw ko would probably be the judgment naman.

“That they expect you to stay at home and just feed the kids and not do anything else.

“Iyon ang hindi ko ma-gets. In that way, I’m very liberated, I’m very modern, e.

"I mean, I feel like it takes two to tango. If you wanna live a good life, you both work hard, and you both help each other.

“I don’t understand yung, ‘Hindi, dapat ganito, mag-anak ka na, sa bahay ka lang.’

“May ganung factor din tayo, I get it, but I guess I’m just a bit more modern-thinking compared to that.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa taping ng Kapuso primetime series na My Korean Jagiya kamakailan.

COOL HUBBY. Paano nila hina-handle na mag-asawa ang bashers ni Heart at kritiko ni Senator Chiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng aktres, “Oh, my gosh! You know, he does not talk about anything.

“Pag kunwari I talk to him about my bashers, sasabihin ko, ‘Grabe naman!’ Ganyan, ganyan.

"Sasabihin niya, ‘Ginusto mong mag-artista, di ba?’

“Sabi ko, ‘Mag-advise ka naman sa akin, dear! Parang NR na NR [no reaction] ka naman.’

“‘Eto na ako, parang wasak na wasak na ang puso ko. Wala ka bang sasabihin na anything or help me man lang?'

“‘'Di ba, ginusto mong mag-artista? Kumikita ka diyan, di ba?’

“‘O, that’s part of it!’ Which is true!” natawang kuwento ni Heart.

Patuloy niya, “Then I would say, ‘Oo nga naman.’

"Ganun siya, he’s so cool."

JUST CHILL. Sa 2019 ay magkakaroon muli ng eleksyon sa Pilipinas para sa mga senador at local positions.

Sa taong iyon ay matatapos na rin ang huli at ikatlong termino ni Chiz, 48, bilang senador.

Noong 2016 ay tumakbo siya sa pagka-bise presidente, ngunit pumangatlo lamang siya sa nanalong si Leni Robredo at sa second-placer na si Bongbong Marcos.

Tinanong namin si Heart kung napag-uusapan na nila ang political plans ng asawa niya.

Saad ng My Korean Jagiya actress, “As of now, I think he really wants to chill.

"I’m not sure what he wants to do.

“Sabi niya, ewan ko kung niloloko niya lang ako, ‘I think I just wanna chill, Babe!’ sabi niya.”

Ayon pa kay Heart, tila wala sa plano ng mister niyang tumakbo bilang presidente ng bansa.

“I don’t think he would, okay lang din na hindi!” natawa niyang sabi.

“I don’t think he’ll be happy… grabe yung utak niya, e.

“Talagang iyon ang ibinubuhay ng dugo niya, kumbaga.

“Pero, as of now, sabi niya, ‘I think I wanna chill.’

“Tingnan natin kung ano ang gusto niya. Ako, okay lang kahit ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang din, e, if ever I would be, kakapanganak ko lang nun or something.

“So, baka it’s our time to shine as a family or something!” at muling tumawa ang aktres.

Baka sa kampanya may kalong na siyang baby?

“Ang hirap nun,” ang tumatawang bulalas ni Heart.

“I dunno, ako okay lang kahit ano.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN