Ai-Ai delas Alas tells off bashers of fiancé Gerald Sibayan: "Magtrabaho kayo or magdasal kayo, magsimba kayo!"

IMAGE Allan Sancon

Ai-Ai delas Alas is seeing red and threatening to haul bashers of fiancé Gerald Sibayan to court. Meantime, she studies their profiles: "[Yung] iba, matatanda na ano… na siguro bored sa buhay nila. Hindi masaya. Baka yung mga asawa nila, hindi sila inuuwian or baka hindi na sila ginagalaw nung mga asawa nila. Mga...matatandang parang ano na... yung parang wala nang kakuwenta-kuwenta yung buhay nila. So, baka diyan nila nilalaan lahat ng pain and heartaches nila, sa social media. Yung iba nama


Muling naglabas ng kanyang saloobin si Ai-Ai delas Alas, 52, tungkol sa bashers at trolls ng kanyang fiancé na si Gerald Sibayan, 23.

Nagbanta pa ang Philippine Queen of Comedy na sasampahan niya ang mga ito ng reklamong cyberbullying. 

Saad ni Ai-Ai, “Pag kay Gerald, kasi si Gerald is private citizen...

"Sa aming mga artista, sad to say, wala pa kaming law.

"Kausapin ko na lang si Ate Vi [Congresswoman Vilma Santos] na gumawa ng law para sa mga artista na sobrang bina-bash.

"Tao lang din naman kami, lahat naman tayo may pakiramdam, di ba?

“Si Gerald ang puwede, kasi private siya… totoo namang private person siya.

"Nagkataon na… boyfriend ko siya."

Sa pagsasampa niya ng reklamo laban sa bashers, layunin daw ni Ai-Ai na maturuan ng leksiyon ang mga taong walang magawa at puro panglalait sa kapwa ang ginagawa.

“Oo, ako, gusto ko talaga.

"Para kasi minsan… sobra na yung mga tao na parang akala mo, kakilala ka nila.

"Kung pagsalitaan si Gerald na…"

Dito na idinetalye ng Kapuso star ang sinabi ng isang basher tungkol kay Gerald na hindi raw niya palalampasin.

"Merong isang babae dun na nagsabi na, 'Itong batang 'to, napakaayaw magtrabaho. Kaya pumapatol na lang sa ano…'

"Gusto ko sabihin, ‘Hoy, si Gerald, four o’clock, gising na yun para magtrabaho.

"'Baka ikaw tulog ka pa ng alas-kuwatro ng umaga, 'Day, kung sino ka mang babaeng hitad ka!'

Ayon kay Ai-Ai, "Oo, si Gerald, grabe... Tanghali, meron pa ‘yang… nagtatrabaho pa rin hanggang alas-nuwebe ng gabi.

"Kasi dalawa ang tinuturuan nung eskuwelahan, e."

Si Gerald ay isang badminton coach.

Patuloy ng komedyana, "Kung makapagsalita, hindi niyo naman kilala yung tao, hindi niyo kami kilala.

“Ako, kilala niyo ako nang personal? Si Ai-Ai ako, artista ako.

"Pero hindi niyo kilala yung buong pagkatao ko, hindi niyo naman ako kasama sa bahay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AI-AI STRIKES BACK. Galit pang dagdag ng Sunday Pinasaya star, punung-puno na siya sa mga nanghuhusga sa kanyang nobyo.

Kung siya raw ang tinitira ay tanggap niya ito dahil public figure naman siya.

Pero kapag si Gerald na raw ay papalagan na niya ito.

Gigil na saad ni Ai-Ai, “Si Gerald, tahimik lang 'yan, hindi ‘yan nasasaktan.

"Ako yung nasaktan nung sinabing ayaw magtrabaho...

"Hoy, kapal ng mukha mo, di mo kilala si Gerald!

“Dyusko, gising ng four o’clock, baka nga ikaw tulog ka pa nun, lahat tayo tulog pa nun, di ba?

“Kung kayo ngang press, di niyo alam kung anong trabaho niya, ang alam niyo lang, nagku-coach siya.

“Hindi niyo alam, ang coach, parang ano din ‘yan… national team at varsity.”

Disiplinado raw si Gerald sa kanyang trabaho bilang badminton coach.

“Oo, ganun ang trabaho nila pag sports, ganun.

"Kaya dun ako nasaktan. Sinasabing ayaw magtrabaho kaya pumatol sa akin...."

Buwelta pa ni Ai-Ai, sabay tingin sa camera, "Gaga, sira-ulo ka, at kilala ko yung profile mo, humanda ka sa akin!”

Kasalukyan na raw niyang pinaiimbestigahan ang mga taong ito.

“Oo, lahat yun ini-screenshot-an ko—yung kay Gerald. Yung akin, ngangey [nganga]."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Ai-Ai sa pocket presscon at premiere ng pinagbibidahang niyang pelikula, ang Bes And The Beshies, sa SM Megamall, kagabi, October 17.

Kasama ni Ai-Ai na dumalo sa premiere si Gerald. 


 

"BASURA BA AKO?" Hihintayin daw niyang magpasa ng bill si Batangas Representative Vilma Santos-Recto upang maprotektahan silang mga artista laban sa bashers.

Himutok pa ni Ai-Ai, "Di ba, kawawa kaming mga artista?

"Parang wala kaming mga pakiramdam, kailangan manhid kami, ganun.

"Tsaka kasi sila, ang ano kasi, matapang sila kasi hindi sila kilala nga, e.

"Yung iba dun, hindi naman totoong account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Or kung may totoong account, nasa abroad, di ba?

"Yung mga ibang nasa Pilipinas, nagbura na, e."

Patuloy niya, “Oo, tsaka kasi napaka-unfair naman, di ba, napaka-unfair dun sa tao, napaka-unfair kasi.

"Unang-una, siyempre magiging asawa ko si Gerald, karapatan kong ipagtanggol yung magiging asawa ko, di ba?

“Hindi naman puwedeng lahat puwede niyong sabihin dun sa tao...

"Bakit, porke't pumatol sa akin? Ano ba ako? Basura ba ako?

"Hoy, nag-aral ako! Tumigil kayo diyan!"

Hindi kaya nahuhusgahan si Gerald ng ibang tao ay dahil nakikita lang nila itong kasama ni Ai-Ai?

Buwelta ng aktres, wala siyang kailangang i-explain sa mga tao tungkol kay Gerald.

Aniya, “Unang-una, kahit naman ipaalam ko sa kanila, meron at meron pa rin silang sasabihin, di ba?

“Kaya yung mga ganun na ano, nasasaktan ako, kasi hindi naman nila alam kung gaano kahirap din yung trabaho ni Gerald.

“Tsaka ayokong mag-explain sa kanila, kasi yung ibang mga account nila, fake, e.

"Hindi mo naman sila made-determine kung sila talaga yun, di ba?

"Luging-lugi kami sa lahat ng bagay."

Dagdag niya, “Nagkokontrabida lang yung iba, kasi siguro yung iba, naiinggit.

"Kasi tinitingnan ko yung profile nila.

"Yun nga nakakalungkot, kasi yung iba, matatanda na ano… na siguro bored sa buhay nila. Hindi masaya.

"Baka yung mga asawa nila, hindi sila inuuwian or baka hindi na sila ginagalaw nung mga asawa nila.

"Mga ano na, e, mga matatandang parang ano na... yung parang wala nang kakuwenta-kuwenta yung buhay nila.

"So, baka diyan nila nilalaan lahat ng pain and heartaches nila, sa social media.

“Yung iba naman, single, mga single na babae na ang papangit, ganun.

"Totoo... oo, tinitingnan ko profile nila.

"Pag wala akong ginagawa, tinitingnan ko."

Minsan, ang panganay na anak daw ni Ai-Ai na si Sancho delas Alas ang nagtatanggol kay Gerald.

"'Ma, tingnan mo ‘to...' kasi nga, yung about kay Gerald nga, nag-ano ako sa lawyer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, yung na-screenshot-an niya about sa akin, e, di nabasa ko na rin.

“Pero hindi ako nagbabasa, di ako nagbabasa, lakas maka-nega, e.

“Kahit sila, sinasabihan ko, ‘Anak, huwag ka na magbasa, hayaan mo na sila, wala ka namang magagawa diyan.’

“Pero ito kasi," pagtukoy niya kay Sancho, "talagang tagapagtanggol ko 'to, e, inaaway niya yung mga bashers.

"Bagay naman sa kanila, mga bata pa sila, e.

“Yun bang ini-expect mo, mga social media, bata, mga walang magawa."

Birada pa niya sa bashers, “Hoy, magtrabaho kayo!

"Hindi yung social media kayo nang social media, ano kayo nang ano sa mga kapwa niyo!

“Magtrabaho kayo or magdasal kayo, magsimba kayo!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN