Maxine Medina happy about engagement of cousin Dianne Medina to Rodjun Cruz

IMAGE Noel Orsal

Maxine Medina is thrilled to be among the first to announce the engagement of her cousin Dianne Medina to Rodjun Cruz. Being in a long-term relationship with her boyfriend of six years, Marx Topacio, is she also getting married soon?


Aliw na aliw pa rin sa pagmamalaki ang beauty queen na si Maxine Medina na isa siya sa mga unang nag-leak sa engagement ng pinsan niyang si Dianne Medina kay Rodjun Cruz.

“Opo, hindi ko nga alam kung dahil kung bakit na-post agad yun.
 
“Kasi ako yung pinakaunang nag-post sa social media,” nakangiting sabi ng Miss Universe-Philippines 2017.

Ayon pa kay Maxine si Dianne ang unang ikakasal sa kanilang magpi-insan kaya ganun na lamang ang tuwa nila sa engagement nito.

Kuwento niya, “Naku, matagal na naming kinukulit si Rodjun, buong family namin, 'Ano na, kailan na?'

“Tapos nagulat na lang kami, 'Oh, my God!' I’m so happy.

“Kasi si Rodjun, he’s a part of our family na, e. Medina and Cruz, laging magkasama.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng horror movie na Spirit of the Glass 2: The Haunted, noong October 12.


Stories We Are Tracking

Rodjun Cruz is now engaged to longtime GF Dianne Medina
Rodjun Cruz is now engaged to longtime GF Dianne Medina
Rodjun Cruz on his engagement:
Rodjun Cruz on his engagement: "Para akong lumulutang."
Dianne Medina, Rodjun Cruz set wedding date in 2019
Dianne Medina, Rodjun Cruz set wedding date in 2019

SIX-YEAR RELATIONSHIP. Sa kabilang banda, anim na taon na ang romantic relationship ni Maxine sa kasintahang model-actor na si Marx Topacio.

Magpapakasal na rin ba siya?

Tugon ng Miss Universe 2016 top-six finisher, “Naku, matagal pa po, marami pa po akong gustong gawin.”

Sa panahon ngayon, tila hindi na uso ang long-term relationship?
 
“Siguro sa millennials,” pagkontra naman ni Maxine.

“Hindi naman ako millennial, e, naniniwala pa rin ako sa long-term relationship.

“Sa love, kung yung faith mo sa kanya, e, nandoon.”

Hindi rin daw sumagi sa isip nila ng boyfriend na mag-live in.

Hindi raw daw niya kinalakihan ang ganoong paniniwala.

Paliwanag ni Maxine, “Marami akong friends na living in and marami rin akong friends na hindi—both work.

“Ako naman… tinuturuan ako ng daddy ko, ng mommy ko, ng lola ko… na bawal iyan.

“Yung advice pa rin ng daddy ko, siyempre, I respect them as my parents. 

“Same yata kami ni Ate Dianne.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GATEWAY. Ayon kay Maxine, gateway niya ang Spirit of the Glass 2 para sa tuluy-tuloy na niyang pag-aartista.

“Matagal na po akong tinatanong kung gusto kong mag-artista, pero ayoko talaga.

“Bata pa ako noon, siyempre mahiyain, mababa pa yung self-esteem ko. 

“Paano nga ba nangyari ito? Siguro after ng Miss U, try ko na rin, kasi halos lahat na-try ko na, e. 

“Eto na siguro yung last na puwede kong ma-experience pa.”

Ngayong nasa showbiz na si Maxine, posible kayang maapektuhan ang relasyon nila ni Marx?

“Hindi naman,” komento ng 27-year-old beauty queen.

"Akala ko nga dati, sobrang issue. Sobrang sensitive yung topic na yun.

"Feeling ko naman, hindi maaapektuhan."

Ang pagkaka-link kay Xian Lim ang isa sa unang showbiz issues na lumabas sa beauty queen.

Si Maxine ang leading lady ni Xian sa music video na ginawa nito.

“Nali-link ba ako?” nagtatakang tanong niya.  

Biro pa ni Maxine, “Hindi ko nga alam, well, baka hindi puwede si Kim [Chiu] that time?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN