Daniel Matsunaga admits relationship with Polish model: "Yes, we're together."

IMAGE Karolina Pisarek Instagram / Noel Orsal

Brazilian-Japanese model-actor Daniel Matsunaga wants to keep his relationship with Polish model Karolina Pisarek private. He says, "I prefer to have a personal life. I have been learning with the… totoo naman, e. I just want to have it really quiet and masaya."


Inamin ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga, 28, na may relasyon na sila ng Polish model na nagngangalang Karolina Pisarek, 19.

“Yeah, we’re together,” pagkumpirma ni Daniel nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Spirit of the Glass 2: The Haunted, na ginanap sa Limbaga 77 restaurant, sa may Quezon City, noong October 12.

Base sa impormasyong nakalagay sa profile ni Karolina sa www. famous fix.com., siya ay ipinanganak sa Poland, 5’8” ang height, blue ang kulay ng kanyang mata, blonde ang kanyang buhok, at Catholic ang relihiyon niya.

Naging Top 5 finalist din si Karolina sa Poland's Next Top Model Cycle 5 noong 2016.

Sumingaw ang relasyon ni Daniel kay Karolina dahil sa comment ng isang Instagram follower ng model-actor matapos mag-post ng huli ng sexy-undie photo niya.

Sabi ng IG user na si imhereterz: “sorry pag aari na sya ni @karolina_pisarek ngayon hehe”

Kapansin-pansin naman sa Instagram post ni Karolina noong September 29 ang caption niya sa kanyang larawan: "Think I’ll miss you fore­ver. Like the stars miss the sun in the mor­ning sky"

Kabilang sa inilagay niyang hashtag ang "#PH"—na maaaring tumukoy sa Pilipinas.

May ilang ding nag-comment kung saan binanggit ang pangalan ni Daniel.

Sabi ni byungeunhan: "You and Dandan look good together @karolina_pisarek @dandanmatsunaga"

Ayon naman kay msmameng: "Is she the one @dandanmatsunaga? She is gorgeous!"

Think I’ll miss you fore­ver Like the stars miss the sun in the mor­ning sky ???? #mood #????????

A post shared by Karolina Pisarek (@karolina_pisarek) on

KEEPING IT QUIET. Pagkatapos aminin ang tungkol sa kanila ng Polish model, tumanggi nang magbigay ng karagdagang detalye si Daniel tungkol sa relasyon nila.

Paliwanag ng Kapamilya star, “Kasi, I prefer to have a personal life. 

“I have been learning with the… totoo naman, e.

“I just want to have it really quiet and masaya.”

Bagamat naniniwala siyang walang kinalaman ang social media sa pagkasira ng mga relasyon niya noon, sinabi ni Daniel na umiiwas lang siyang maulit ang nakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “In showbiz, believe it or not, a lot of people get involved, and I don’t know…

“I don’t want that to happen in my future relationship.”

At kahit pareho silang celebrity at nasa public eye ni Karolina, gusto ni Daniel na maging pribado ang relasyon nila hangga’t maaari.

Hindi rin sinagot ni Daniel ang tanong kung paano sila nagkakilala ni Karolina, at kung narito ba ito ngayon sa Pilipinas o sa Athens, Greece.

Pero wala raw problema kung nasa malayo ang kanyang kasintahan.

Sabi ni Daniel, “If you love someone, that doesn’t stop me. I had long-distance [relationships] before.”

Balitang nag-aartista rin daw si Karolina sa ibang bansa

Pero sabi ni Daniel, “Hindi siya kailangang mag-artista. 

“Basta, ako na lang. Ako na lang ang mag-provide lahat.”

PAST RELATIONSHIPS. Ayaw na rin daw matanong ng Pinoy Big Brother: All In big winner tungkol sa past relationships niya.

“Let’s not talk about past. I want to live present and the future… salamat. 

“Mas masaya yung present at saka yung future.”

Mas masaya siya kay Karolina?

Paglilinaw agad ni Daniel, “No, no… not comparing anybody. 

“I’m not really comparing anybody, and just pray for my next to be my wife sana.”

Ano ang natutunan niya sa mga nakaraang kabiguan sa pag-ibig?

Saad niya, “I’ve learned that you will always grow with anything that happens in your relationship. 

“It doesn’t matter if it’s bad or good. It’s all for you own growth.

“And I’m a mature person. I know exactly what I am doing.”

Patuloy ni Daniel, “There’s so many news na hindi maganda, di ba? 

“Because, involving even my family, and if you know my family, you’ll see they’re the most beautiful, kindhearted people in the whole world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They have nothing to do with my career. 

“So, I just ask people, please, not to involve them. 

“If they’re mad at me, it’s okay, just get mad at me.

“Haters, there will always be hate."

Dagdag pa niya, “I always try my best. I always try to please everyone.

“Siyempre, showbiz is showbiz, alam ko this is part of this, this is part of my job. 

“Pero, yun nga, I really worked hard for everything I have had, for everything I do.

“I guess, it’s really not fair to judge each other. This is for God.”

Ayaw na ring pag-usapan ni Daniel ang masaya nilang batian ng ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista sa Star Magic Ball 2017.


Stories We Are Tracking

Heart and ex-BF Daniel meet at Star Magic Ball 2017
Heart and ex-BF Daniel meet at Star Magic Ball 2017

Ayon kay Daniel, “Ayaw kong sabihin tungkol sa mga ex.

“Kasi, yung mga bashers keep on bashing me naman. 

“Alam mo, kahit anong sasabihin ko dito, kahit maganda ang sasabihin ko, there will always be more bashing coming from them.

“I just have to apologize to them that they feel that way. 

“I think, yun nga, this is life. 

“Sana things will be okay, di ba?

“I pray there’ll be no bad feelings, you know, ‘coz this is just… I don’t know, this is sad.

“Let’s focus sa mga blessings, sa mga work, sa future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN