Zsa Zsa Padilla on daughter Zia Quizon marrying Robin Nievera: "Ako, okay lang sa akin."

IMAGE Allan Sancon / @robinnievera on Instagram

Wala raw problema kay Zsa Zsa Padilla sakaling mag-asawa na ang bunso niyang anak na si Zia Quizon dahil matagal na rin daw siyang naghihintay ng apo. Ang boyfriend ni Zia ay ang panganay na anak nina Martin Nievera at Pops Fernandez na si Robin Nievera.


Katulad ng Concert King na si Martin Nievera, boto rin ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa relasyon nina Zia Quizon at Robin Nievera.

Si Zia, 26, ay anak ni Zsa Zsa sa yumaong Comedy King na si Dolphy.

Si Robin, 30, ay panganay na anak ni Martin sa dating asawang si Pops Fernandez.

Adventure time! @ziaquizon #france???????? #eiffeltower

A post shared by Robin Nievera (@robinnievera) on

Sabi ng Divine Diva tungkol kay Robin, “Well, you see, he’s a nice boy, actually, and he is very hardworking.

"And yung radyo ko ngayon, palaging pag time niya, pag slot niya, siyempre nakikinig ako palagi.

“Kanina lang, on the way here, pinakinggan ko si Robin.”

Si Robin ay disc jockey sa radio station na Wish FM 107.5.

Ano naman ang magiging reaksiyon ni Zsa Zsa halimbawang mapag-usapan na nina Zia at Robin ang pagpapakasal?

Tugon ng singer-actress, “Ako, okay lang sa akin.

"Di ba nga, naghihintay na nga ako ng apo, e.

"Basta ready yung mga anak ko. Pero, siyempre, lumaki sila nang wala silang ibang narinig kung hindi yung huwag mag-aasawa nang bata.

“Zia is 26, she’s my youngest.

"So there, I think, you know… if she thinks about it in the next few years, it’s fine with me—if she’s ready.”

Sa ngayon, aktibo na muli sa music scene si Zia matapos nitong mag-focus sa iba pa niyang hilig.

Ayon pa kay Zsa Zsa, “She got busy kasi with Extrapolation, yung kanyang banda.

"Tapos, sinubukan din niya kung papaano yung na-witness niya sa amin habang lumalaki siya, yung mag-produce, ganyan, so…

"Siyempre, natutuwa ako, and I can’t wait for her solo album."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa sa presscon cum premiere ng pelikulang Bes And The Beshies, sa SM Megamall, Mandaluyong City, kagabi, October 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN