Xander Ford on denying viral videos dissing Kathryn Bernardo: "Natatakot po kasi ako na i-judge ulit."

IMAGE Nerisa Almo

Xander Ford pleads to Kathryn Bernardo and other celebrities hurt by his viral videos: "Bilang tao po, sana bigyan n'yo ako ng chance na magbago."


Paulit-ulit na humingi ng paumanhin at ng isa pang pagkakataon si Xander Ford dahil sa panibagong kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Ito ay matapos mapatunayang siya ang lalaking nasa videos na kumutya sa Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Noong nakaraang linggo, lumabas ang ilang lumang videos ng 19-year-old social media personality, kung saan tinawag niyang "sakang" ang 21-year-old actress.

Makikita sa mga video ang dating katauhan ni Xander, noong kilala pa siya bilang Marlou Arizala at hindi pa siya sumailalim sa cosmetic surgery.

Umalma ang maraming fans ni Kathryn at ng love team nila ni Daniel Padilla, na nauwi sa pamba-bash kay Xander sa social media.

Noong una ay itinanggi ni Xander na siya ang nasa video, dahil sa unang video na lumabas ay hindi kita ang mukha ng lalaking nagsalita laban sa Kapamilya actress.

Sinabi ni Xander na kaboses lamang niya iyon.

Ngunit naglabas ng panibagong video ang KathNiel fans, kung saan kita na ang mukha ng lalaking nagsalita sa video.

Sa pagkakataong ito ay hindi na maikakailang si Marlou nga ang nasa video.

WATCH: Kathniel fans show video as proof that Marlou Arizala made unflattering remarks about Kathryn Bernardo

“NATAKOT.” Ngayong Miyerkules, October 18, humarap si Xander sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling media sa opisina ng Star Image talent management sa Quezon City.

Dito ay inamin niyang siya nga ang nasa videos na kumalat nitong weekend.

Pahayag niya, “Hindi ko po siya tanda kung kailan namin siya nagawa or napagkuwentuhan.

“Pero natatandaan ko nga na nasa bus pala yun. Oo nga, nasabi ko nga yun kay Ate Kath.

“Pero in a way po na nagbibiruan lang kaming magkakaibigan po.

“Tapos po, hindi ko naman alam na may ganung lalabas."

Ayon pa kay Xander, “Bakit ngayon po, ngayon pa po na ito na ako ngayon, si Xander, at saka po nila inilabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong una po, naitatanggi ko siya kasi hindi ko po talaga ma-recognize kung ako talaga yun.

“Pero napi-feel ko na po na boses ko yun.”

Dahil daw sa takot kaya niya nagawang itanggi noong una na siya ang nasa video.

Sabi ni Xander, “Gusto kong aminin man sa tao, pero natatakot po ako.

“Hindi ko po kasi alam kung ano ang gagawin ko.

“Natatakot po kasi ako na i-judge ulit ng mga tao.

“Natatakot ako na husgahan po nila ako ulit, na hindi ko po aminin sa kanila yung mga pagkakamaling nagawa ko po.”

Tinanong ng PEP.ph kung sino ang una niyang nilapitan nang magsimula na ang pamba-bash sa kanya dulot ng kumalat na videos.

Sagot ni Xander, “Unang nilapitan ko po is yung management ko po, manager ko po, mga kaibigan ko po sa Teen Trends, at saka mga pamilya ko po.”

Ano ang naging payo nila?

“Una po, pinapagalitan nila ako.

“Hindi naman po kasi nila ako kinukunsinti.

“Sinabi nila na masisira din po ang pangalan po nila, lahat po silang mga kaibigan ko, pati mga kaibigan ko.

“Tapos po, mga after tomorrow o ilang days, sinabi po nila sa akin na, 'Hindi, kaya mo 'yan. Magpakatatag ka lang kasi isyu lang naman 'yan, e.

“''Yan yung dating ikaw pa, e. Iba na yung ngayon mo. Hindi na ikaw yung katulad ng dati.”


Stories We Are Tracking

Xander Ford apologizes for video mentioning Kathryn Bernardo
Xander Ford apologizes for video mentioning Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo goes up against cyberbullying
Kathryn Bernardo goes up against cyberbullying

DEPRESSION. Hindi raw inakala ni Xander na may iba pang videos na lalabas, na magpapatunay na siya nga ang nasa video.

Dahil dito, aniya, “Noong una po, na-depress po talaga ako. Super depress po.

“Dumating po sa point na parang gusto ko na pong magpakamatay.

“Gusto ko na pong tapusin ang buhay ko.

“Kasi, sinasabi ko po, parang wala namang kuwenta yung buhay ko nung mga araw na yun, kasi sobrang sakit po ng mga nararanasan ko, naririnig ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inisip ko na lang po yung mga taong nagpapahalaga sa akin, yung mga taong sumusuporta kaya kinaya ko po."

Dagdag niya, “Gusto ko lang po sanang malaman nila na sana bigyan nila ako ng chance na magbago.”

Ngayon daw ay unti-unti na siyang nakaka-recover mula sa depression na naramdaman.

APOLOGIZING TO KATHRYN. Kaugnay nito, sinubukan ba niyang personal na humingi ng paumanhin kay Kathryn?

Tugon ni Xander, “Hindi pa po. Gusto ko na po, sana po.

“Handa po akong lumapit kay Kathryn Bernardo, kay Kuya Daniel, sa KathNiel fans, pati po kay Tita Karla po.

“Handa po akong lumapit sa kanila, manghingi lang po ng tawad.

“Kahit po lumuhod ako sa harapan nila, mapatawad lang po nila ako.”

Si Karla Estrada ang ina ni Daniel.

Kaugnay ng isyung ito, ilang Kapamilya stars din ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya kay Xander.


Stories We Are Tracking

Karla, Gretchen, celebs slam Xander for Kathryn putdown
Karla, Gretchen, celebs slam Xander for Kathryn putdown
ABS-CBN talents slam Xander Ford for name-calling Kathryn
ABS-CBN talents slam Xander Ford for name-calling Kathryn

Sa kanila ay isang paumanhin din ang nais ipaabot ng binata.

Aniya, “Ang masasabi ko lang po sa mga co-artist ko, sorry kung nagtitimpi lang kayo sa akin, kasi ganun po ang naging attitude ko sa inyo.

“Gusto ko lang po sabihin sa inyo na nagbabago ako, nagbabago po ako. Mahirap man po...

“Alam po ninyo, hindi man ako kasing sikat ninyo, hindi naman po ako kasing guwapo at kasing ganda ninyo, pero handa po akong magbago po para po maipakita ko lang po sa inyo, sa mga kapwa tao ko, na may pangarap po akong gustong tuparin at makatulong sa mga magulang ko.”

“MAS MATINDI PA.” Batid daw ni Xander na marami pang videos na maaaring ilabas tungkol sa kanya, noong Marlou Arizala pa siya.

Kaya naman ngayon pa lang daw ay humihingi na siya ng paumanhin.

“Ngayon pa lang po, gusto ko lang po sabihin sa inyong lahat na, hindi lang po kay Ate Kath lang yung may [video].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas madami pa pong lalabas na isyu about sa akin, sa mga ginawa ko po noong Marlou pa po ako.

“At saka po yung mga about sa self ko po, mas marami pa pong lalabas, mas matindi pa po dito.

“Kaya ngayon pa lang po, nanghihingi na po ako ng tawad.

“Sana po patawarin niyo po ako.”

Pakiusap pa niya, “Sana po bigyan niyo po ako ng chance dahil ito na po ako, si Xander Ford na nagbabago o naghahandang magbago.

“Kalimutan na po natin yung mga nakaraan po ni Marlou.

“Kung may nakita man kayo na lalabas about kay Marlou, si Marlou na lang po yun, hindi na po yung si Xander Ford.”

Dumulog na raw si Xander at ang kanyang talent managers sa NBI Cybercrime Division para mabigyan ng leksiyon ang taong nag-upload ng kanyang lumang videos.

Hindi tinukoy ni Xander kung sino ito, pero aniya, “Napatawad ko naman po siya, pero dapat po [ireklamo].

"Kailangan, kasi baka hindi lang po niya sa akin gawin yun, gawin din niya sa ibang tao.

“Gusto ko po, sa kanya pa lang po, makita na ng mga tao na hindi dapat ganun ang ginagawa ng isang mabuting mamamayan.”

Higit sa lahat, gusto rin daw ni Xander na matulungan ang sarili sa pamba-bash na dinaranas.

“Gusto ko po sana matapos na sana yung panglalait sa akin ng mga tao at saka yung mga ginagawa po nila sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN