Xander Ford on faults of Marlou Arizala: "Sana po mapatawad niyo na lang ako."

IMAGE Nerisa Almo

Xander Ford: "Pangako po na tutuparin ko yung mga sinabi kong magbabago po ako. Ipapakita ko po sa mga tao na nagbago na po si Xander Ford."


Ang mabago ang pagtingin sa kanya ng mga tao ang dahilan kung bakit pumayag sumailalim sa cosmetic surgery si Marlou Arizala—na kilala na ngayon bilang Xander Ford.

Ito ang ipinagtapat ni Xander nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 18.

Pahayag ng 18-year-old social media personality, “Aaminin ko na lang din po, ang naging dahilan po ng pagpapa-plastic surgery ko is mabago po yung tingin sa akin ng mga tao, yun po ang totoo talaga.

“Kasi po, as in, buong buhay ko, puro na lang bully, puro na lang bash.

“Gusto ko lang po malaman nila na nagso-sorry po ako sa kanila, ganun po yung nangyari sa mukha ko.

“Buong buhay ko po... Yun nga po, bakit ako nagpa-plastic surgery, gusto kong mabago ang sarili ko, mabago po ako.”

Kasabay ng pagpapakilala niya bilang Xander Ford ay ang pagbabago rin daw ng kanyang pag-uugali.

Ano ba sa mga katangian noon ni Marlou ang gustong mabago ni Xander?

“Si Marlou po dati ano... Ano po si Marlou dati, batang mahirap, hambog, mayabang, dahil yun po ang character niya.

“Si Marlou po, aaminin ko po, iskwater po siya, yung ugali niya.

“Kasi po, lumaki po talaga ako sa iskwater talaga.

“Hindi naman po ako mayaman o lumaki nang mayaman, matalino o maykaya.

“Galing po ako sa iskwater talaga, kami pong pamilya namin.

“Yun po ang mga bagay na gusto kong baguhin bilang Xander Ford po ako.”

TO BE A BETTER PERSON. Sari-sari ang naging reaksiyon ng publiko nang makita ang transformation ni Xander.

Marami ang natuwa at sinuportahan ang pagsasailalim niya sa cosmetic surgery, at mayroon din namang hindi pabor sa kanyang ginawa.

Ngunit ayon kay Xander, pagsusumikapan niyang maiba ang tingin sa kanya ng publiko.

Saad niya, “Gusto ko pong ipakita sa mga taong labis ang galit sa akin, huwag po kayong magalit sa akin kasi, ako po si Xander Ford—isang bata, isang tao na may pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nangangarap po ako na sana magkaroon din ako ng bilang sa mundo, respetuhin ng mga taong tulad niyo, pahalagahan, mahalin, magkaroon po ako ng [halaga] sa inyo, maging mabuting tao po, maging disenteng tao.

"Yung mga pangrap ko po, sana matupad, at higit po sa lahat, matulungan ko yung mga magulang ko.”

Sa pamba-bash na natatanggap pa rin niya hanggang ngayon, nangangako si Xander na magiging mas mabuti na siyang tao.

“Sa nangyari sa akin ngayon, sa nangyari po ngayon, totoo naman po ako, at handa naman po akong magbago para tanggapin ako ng lahat ng tao sa lipunan.”

Sa huli, nagbigay si Xander ng mensahe para sa mga patuloy na nagbabato ng negatibong komento laban sa kanya.

Aniya, “Sa lahat ng bashers ko, hindi ko na kayang sabihin yung 'more bash, more blessings.'

“Ngayon, sana suportahan niyo na lang ako.

“Tanggapin na lang po natin na nandito na po ako sa kalagayan ko po.

“Sana po mapatawad niyo na lang ako. Parehas lang po tayo na nangangarap po.

“Pangako po na tutuparin ko yung mga sinabi kong magbabago po ako.

“Ipapakita ko po sa mga tao na nagbago na po si Xander Ford.”


Stories We Are Tracking

Xander Ford finally owns up to viral videos where he dissed Kathryn Bernardo
Xander Ford finally owns up to viral videos where he dissed Kathryn Bernardo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN