Jason Abalos breaks silence on "indecency" allegation against him

IMAGE Noel Orsal

Jason Abalos on a female netizen's allegations of malice against him: "Kung tutuusin, puwede nga na kami ang magdemanda. Kaya lang, gusto namin talaga na huwag na lang pansinin... Lahat ng post nila, tinanggal na rin nila... Naghihintay ako ng subpoena o ano sa akin. Wala. Ibig sabihin, hindi credible yung ano nila."


Sa kauna-unahang pagkakataon, binasag ni Jason Abalos ang matagal na pananahimik tungkol sa alegasyong binastos niya diumano ang isang babaeng nakausap at nakapalitan ng private messages sa Facebook.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mariing pinabulaanan ng aktor ang mga akusasyong ibinato ng hindi pinangalanang netizen.

Pahayag ni Jason, “Medyo sensitive ‘to, kasi inakusahan ako, di ba?

“Kung tutuusin, pinahanap namin yung nag-post. Hindi naman talaga underage yung babae.

“Tapos, kung tutuusin, puwede nga na kami ang magdemanda.

“Kaya lang, gusto namin talaga na huwag na lang pansinin.”

Kaugnay ito ng insidente noong May 19, 2017, kung saan inilathala ng isang babaeng netizen, sa pamamagitan ng Facebook at Twitter posts, ang screenshots na nagpapatunay diumano ng pamimilit ni Jason na makipagkita sa kanya.

Dito ay inihayag din ng netizen ang tinatawag niyang "indecency" ng aktor, na ang gusto raw ay may mangyaring sekswal sa pagitan nila.


Stories We Are Tracking

Jason Abalos accused by female netizen of
Jason Abalos accused by female netizen of "indecency"

"NOT CREDIBLE" ALLEGATION.  Tatlong beses sinabi ni Jason na "hindi totoo" ang sinasabing palitan nila ng Facebook messages ng netizen.

Wala raw basehan ang screenshots ng mukha niya, na sinasabing kuha mula sa pag-video call ng aktor sa netizen.

Patuloy ng bagong Kapuso actor, “Ang gusto naman ng mga 'yan talaga, mapansin sa social media, e.

“Kumbaga, hindi na dapat pag-usapan pa.

"After a day, nawala na yung issue.

“Lahat ng post nila, tinanggal na rin nila."

Sabi pa niya, "Yung mga kabatan ngayon, hindi mo alam kung anong trip sa buhay, e."

Sa ulat ng PEP.ph, na may petsang May 20, 2017, nailathala ang eksklusibong panayam sa 18-anyos na netizen, na nagsasabing pinag-iisipan niyang maghain ng pormal na reklamo laban sa aktor. 

Ngunit ayon kay Jason, wala siyang natanggap na anumang pormal na reklamo mula rito.

“Naghihintay ako ng subpoena o ano sa akin. Wala.

"Ibig sabihin, hindi credible yung ano nila...

“Time will tell. Malalaman naman talaga yun kung talagang nangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "klaro" na hindi niya kilala ang naturang netizen.

Wala rin daw ideya ang aktor kung bakit ginawan siya nito ng isyu.

Nakausap ng PEP.ph si Jason pagkatapos ng presscon para sa upcoming Kapuso series na The One That Got Away, na ginanap sa Puradak Chicken Restaurant, sa Quezon City, Miyerkules ng hapon, October 18.  

NOT A CHEATER. Dito ay nilinaw ni Jason, 31, na going strong ang limang taong relasyon nila ng girlfriend at ex-Pinoy Big Brother: All In housemate na si Vickie Rushton, 25.

Nadawit si Vickie sa kontrobersiya nang mag-post sa Facebook ang netizen na, bukod sa pagiging "indecent," "cheater" din daw si Jason dahil makailang-beses daw idinenay ng aktor na mayroon itong girlfriend. 

Ngunit sinabi ni Jason na hindi niya magagawang lokohin ang nobya at makipag-flirt sa ibang babae.

Patuloy niya, “As much as possible, ayoko talagang masaktan si Vickie.

“Kahit naman sino sa atin, kung talagang mahal mo yung tao, iiwasan mong masaktan.

“Ayaw kong makitang mahirapan ‘tong taong ‘to dahil lang sa mga ganitong issues na hindi naman totoo.”

Napag-usapan ba nila ni Vickie ang mga alegasyon laban sa kanya?

Sagot ni Jason, “Napag-usapan namin. Alam naman niya.

"May usapan naman na kami na aming dalawa lang. Alam naman niya."

Diin pa ng aktor, nananatiling “matatag” ang relasyon nila ni Vickie hanggang ngayon.

Paglalarawan ni Jason kay Vickie, “Sobrang bait, maunawain.

“Kung meron mang tao na hindi bibitaw, si Vickie yun.

“Hindi ko nga alam kung ano ang nagawa ko sa buhay, kung ano ang pagkatao ko, para mahalin niya ako nang ganun, para panghawakan niya ako.”

MOVING FORWARD. Aminado si Jason na kahit papaano ay naapektuhan siya nang kumalat ang paratang laban sa kanya.

"In a way, siguro nakaapekto sa akin.

"Kasi, kung may nakabasa, may nakakita, kahit papaano meron silang impression na, 'Baka totoo... baka hindi, kasi tahimik 'yan...'" pagtukoy niya sa Facebook and Twitter posts ng netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa kabila ng pinagdaanang kontrobersiya, itinuon daw ni Jason ang kanyang atensiyon sa trabaho.

"Oo, traba-trabaho lang.

"Alam niyo naman ako, hindi naman ako nagpapa-interview kahit mga dati pa.

"Mas naka-focus ako sa trabaho. Gusto ko pag-usapan lang talaga, trabaho lang."


Stories We Are Tracking

Jason Abalos on GMA-7 transfer:
Jason Abalos on GMA-7 transfer: "Three years kong iniisip at 'pinagdarasal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN