Benjamin Alves on closeness to Julie Anne San Jose: "I try to enjoy each day, to enjoy the moment."

IMAGE Noel Orsal

Benjamin Alves wants closeness to Julie Anne San Jose to last, for how long he can't say: "Hindi ko po masasabi kung gaano ka-long time, basta long time." 

 


Nananatiling matatag ang relasyon ng Kapuso stars na sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose.

Pero tumangging magbigay ng detalye si Benjamin, 28, nang tanungin kung gaano na ba sila katagal ni Julie Anne, 23.

Tugon lang ng Kapuso actror, “Matagal na po, matagal na po.

“Hindi naman po ganun katagal, pero matagal na po at masaya.

"The whole time, masaya naman po kami."

Nakikita ba niyang pangmatagalan ang relasyon nila ni Julie Anne?

Mabilis na sagot ni Benjamin, “It has been a long time.

"Basta po ako, I try to enjoy each day, to enjoy the moment.

“Kasi, talagang kokonti lang yung time naming magkasama.

“When you’re together, you just enjoy it, you have to cherish that.

“Hindi ko po masasabi kung gaano ka-long time, basta long time.

“Yun lang naman po ang importante… we’re good, we’re doing well.”

IMYL.

A post shared by BENJAMIN ALVES (@benxalves) on

BASHERS. Hindi naman daw hadlang ang trabaho nila sa pagiging mas close nilang dalawa.

Ayon sa drama actor, “Siguro communication po, lagi naman po kaming nag-uusap, and trust.

“Lalo na po sa trabaho namin na hindi maiiwasan na may mga magsasalita nang hindi maganda or maka-partner ang ibang tao.

“Trust lang po talaga. Mature si Julie, mature din po ako, very mature relationship at masaya.

Aminado si Benjamin na may mga natatanggap siyang comments at bashing sa social media na nagsasabing hindi siya bagay kay Julie Anne.

Kalmadong komento nito, “Well, ang importante naman po sa akin, tanggap ako ni Julie at ng family niya. 

“When you see it, you ignore it. Kasi kung may trust naman po kami, parang hindi naman po sila kasama sa…

“Lalo na the people, they can say negative things, hindi naman po kasi kasama sa relasyon namin yun. 

“They can say that, okey lang, until I hear her say it, hindi po ako nagpapaapekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m sure she hears the same thing.”

HAPPY EATING. Kuwento pa ni Benjamin tungkol sa mga lakad nila ni Julie Ann, “We see each other at least once a week, kain.

“Bilang artista, kailangang laging fit, so pag magkasama kami, yun po ang tina-timing-an ko na cheat day ko.

“Kasi po, mahilig kumain si Julie, hindi naman tumataba.

"So, ako yung kailangang mag-prepare.

“Yun po yung tina-timing-an ko na cheat day ko para masaya.”

Ni isang beses ay hindi pa raw nakapag-travel na magkasama sina Benjamin at Julie Anne.

Kung sakali, kailangan pa ba ng chaperone ni Julie Anne?

Sagot agad ng Kapuso actor, “That probably will help, pero hindi pa po napag-uusapan.

“The important thing for me is she met my whole family.”

Naka-base sa Guam ang mga magulang ng binata.

“Na-meet na po nya ang parents ko while they were here.“

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Benjamin sa presscon ng Spirit of the Glass 2, na ginanap sa Limbaga 77 Resto, QC nong nakaraang linggo,

Umaasa raw si Benjamin na makasama si Julie Anne sa premiere night ng pelikula.

Sabi pa niya, “If not, sana, at least for Halloween, meron kaming mapapanood na pelikula, mahirap rin siyang manood ng horror movies.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN