Mark Herras throws all-out support for Winwyn Marquez in Reina Hispanoamericana 2017

IMAGE Gorgy Rula

Mark Herras says he has one tip for girlfriend Winwyn Marquez whenever she goes out in public. "Lagi ko nga siya sinasabihan, kami ng mama niya, na pag lumabas siya, kailangan nakaayos siya. Kasi beauty queen na siya, e."


"Pangga" ang tawagan nina Mark Herras at Winwyn Marquez.

Pero ngayon ay "Reina" ang dagdag na tawag ni Mark sa kanyang girlfriend.

Ngayon pa lang ay ramdam na raw ng Kapuso actor na makukuha ni Winwyn ang titulong Reina Hispanoamericana 2017, na sasalihan nito sa Bolivia sa November 4.

All-out ang suporta ni Mark sa nobya dahil nakikita raw niya noon pa man na matagal nang pangarap ni Winwyn ang maging beauty queen.

“Masaya ako para kay Wyn kasi dream niya talaga to nun pa, e.

“Busy kasi siya sa preparation kaya nandiyan lang ako, sama sa kanya.

“Kaya ako ang nag-adjust. Ako ang gumagawa ng paraan para magkita kami,” sabi ng 30-year-old actor-dancer. 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa Celebrity Basketball Game, na ginanap sa Kasanggayahan Festival, sa Sorsogon, noong Martes, October 17.

TIPS FROM MARK. Itinanggi naman ni Mark ang napabalitang mas naging seloso raw siya at laging nakatutok kay Winwyn mula nang nagka-title ito sa Miss World Philippines 2017 bilang Reina Hispanoamericana Filipinas.

“Same pa rin naman kami. Wala namang selos,” pakli ni Mark.

“Lagi ko nga siya sinasabihan, kami ng mama niya, na pag lumabas siya, kailangan nakaayos siya. Kasi beauty queen na siya, e.

"Sinasabi ko na hindi na siya puwedeng lumabas na naka-T shirt lang. 'Kailangan naka-make up ka.'"

Si Winwyn ay anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.

Lagi raw sinasamahan ni Mark si Winwyn sa paghahanda sa pag-alis nito.

"Tinutulungan ko siya sa preparation,” sabi niya.

Ngayong araw, October 19, ang biyahe ni Winwyn patungong Bolivia.


LESS COMMUNICATION DURING PAGEANT. Kahit mami-miss niya ang kasintahan, excitement ang mas nararamdaman ni Mark dahil very positive siyang makukuha ni Winwyn ang title.

Kaya kahit hindi raw regular ang magiging komunikasyon nilang dalawa, okay lang kay Mark dahil mas gusto niyang sa competition lang naka-focus si Wyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Adjust-adjust lang kami, kasi twelve hours ang diperensiya [ng oras] dun sa Bolivia, e.

“Sabi ko lang sa kanya, kailangan lang niya na dun ang focus talaga.” 

Natutuwa raw siya kay Winwyn dahil hindi ito nagpapa-pressure sa laban niya sa Bolivia.

Naging challenge daw ito sa 25-year-old actress-beauty queen dahil siya ang kauna-unahang Pinay na sasali sa beauty competition na sinasalihan ng Latina beauty queens.

"Pinag-uusapan na siya dun, e. Naka-write up na siya sa Bolivia.

"Siya ang lalaban na first from Asia, first from the Philippines,” dagdag na pahayag ni Mark.

Sasamahan naman daw si Winwyn ng Kuya Yeoj niya para hindi ito mahirapan sa mga dadalhin niya.

Tatlong evening gowns ang dadalhin ni Winwyn, ang national costume niyang Pintados-inspired, at ang mga inihanda raw niyang surprise gift sa co-candidates.

May dala rin daw siyang Miss World pearl necklace na ireregalo niya sa mayor ng maghu-host sa kanila doon sa Bolivia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN