Nadine Lustre's dad reacts to comments about his tattoo following son's death

IMAGE Noel Orsal / Facebook

Ulysses Lustre (center), father of actress Nadine Lustre (left), defends himself from netizens saying that the tattoo on his right arm (right photo) is an "exaggeration." Ulysses had the tattoo as tribute to his son, Isaiah, who allegedly committed suicide due to depression.  


Umani ng batikos mula sa ilang netizens ang pagpapa-tattoo ni Ulysses Lustre, ama ng aktres na si Nadine Lustre, ng semicolon sign at ng hashtag na "Keep Going" sa kanyang kanang kamay.

Ang semicolon at “#keepgoing” hashtag ay mga simbolo ng pagsuporta sa mga taong nakararanas ng depression, addiction, self-injury, at suicide.

Sa kanyang Facebook post noong Lunes, October 16, ibinahagi ng ama ni Nadine ang larawan ng kanyang tattoo.

Kaagad niya itong sinundan ng video, kung saan ipinapakita pa rin ang bagong tattoo.

Maririnig si Ulysses na sinasambit ang mga salitang: “Para sa ‘yo ‘to, anak… constant reminder… Keep going.”

Ang tinutukoy na "anak" ni Ulysses ay si Isaiah Lustre, ang 16-anyos na binatang pinaniniwalaang nagbaril sa kanyang ulo noong October 7.

Base sa mga huling blog entries ni Isaiah, dumaan siya sa matinding depression at nagtangka na ring kitilin ang sariling buhay noon.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre's dad breaks silence on son's death
Nadine Lustre's dad breaks silence on son's death
Nadine Lustre discovers late brother's heartache, depression
Nadine Lustre discovers late brother's heartache, depression
Nadine Lustre kin confirms death of star's brother; suicide?
Nadine Lustre kin confirms death of star's brother; suicide?

EXAGGERATION? Ayon sa ilang netizens na nagkomento sa Facebook post ng ama ni Nadine, "exaggeration" ang ginawa nitong pagpapa-tattoo.

Sinagot naman ito ni Ulysses sa pamamagitan ng panibagong FB post nitong Miyerkules, October 18.

Ipinaliwanag niyang ang kanyang pagpapa-tattoo ay may kabuluhan at hindi pagpapasikat lamang.

Pahayag ni Ulysses, “#KeepGoing... An exaggeration?...In my heart I know that what I'm doing is for a better purpose and I'm not asking for anything in return. I'm just making a huge sacrifice for Isaiah."

Dagdag pa niya, ito raw ay reminder na ang depression ay totoo at may mga taong nakararanas nito.

“The more moral support the more this awareness will burn. This is not an issue of popularity anymore.

"This is an issue of unselfishness to make a concrete example that this sickness is here.”

Kung mayroon man daw mga taong nag-iisip na “exaggerated” ang kanyang ginawa, mananahimik na lamang siya.

“And If I can help find a cure, I would gladly sacrifice my anonymity. And even myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

If this is exaggerated, then I should keep this to myself and try to be selfish like the people who say this is.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN