Conrad Onglao on Zsa Zsa Padilla's wish to keep their wedding simple: "Kung saan siya masaya."

IMAGE Allan Sancon

Hindi raw tutol si Conrad Onglao sa kagustuhan ni Zsa Zsa Padilla na simpleng kasalan sakaling matuloy na ang kanilang pag-iisang dibdib. Kung saan daw masaya ang fiancée ay pagbibigyan niya ito. 


Hindi raw tututulan ng arkitektong si Conrad Onglao ang kagustuhan ng fiancée niyang si Zsa Zsa Padilla na simple lang ang maging kasal nila.

Sa Florence, Italy, ang orihinal na planong magpakasal nina Conrad at Zsa Zsa.

Ngunit naudlot ito dahil naghiwalay sila noong April 2016, matapos ang lagpas isang taong relasyon.

Nagkabalikan ang dalawa noong October 16.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 53-year-old singer-actress, sinabi nitong mas gusto niya ng simpleng kasalan.

Sa kanilang dalawa raw kasi, si Conrad ang may gustong magpakasal sila sa Italy.


Stories We Are Tracking

Zsa Zsa Padilla wants a simple wedding with Conrad Onglao
Zsa Zsa Padilla wants a simple wedding with Conrad Onglao

Ngunit sa ekslusibong panayam ng PEP.ph kay Conrad sa premiere ng pelikulang Bes And The Beshies, kung saan isa sa mga bida si Zsa Zsa, sinabi nitong kung ano ang gusto ng kanyang fiancée ay yun ang masusunod.

Pahayag ng 62-anyos na arkitekto, “Sa akin, kung saan siya masaya...

"Siyempre, lahat tayo meron tayong idea how we wanted to get married, di ba?

“Yung first marriage ko rin dun sa nanay ng mga anak ko, simple lang, kasi sa Amerika kami ikinasal, e.

“Bata pa kami at wala naman kami kilala dun, so parang wala masyadong bisita, wala masyadong tao."

Unang ikinasal si Conrad sa interior designer na si Ivy Almario, kung saan mayroon silang dalawang anak na lalaki.

Patuloy ng arkitekto, “Ngayon na may edad ka na, meron ka nang kaya kahit kaunti, ang gusto ko naman sana ay [engrande]...

"Pero para sa akin, kung ano yung gusto niya [Zsa Zsa].

“Ang sinasabi ko nga sa kanya, ‘Your happiness is always put above mine.’

“Mas importante sa akin ay masaya siya.”

Ngayong nagkabalikan na sila, sigurado raw si Conrad na si Zsa Zsa na ang kanyang makakasama habambuhay.

“Oo naman. Sigurado na kami dun,” sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN