Cristine Reyes says husband Ali Khatibi's personality fits well with showbiz

IMAGE Noel Orsal

Cristine Reyes says her husband's personality fits with showbiz. "Hindi ako yung ma-PR na tao. Kumbaga, tahimik lang ako, di ba? Si Ali yung kabaligtaran ko. Kaya sabi ko sa kanya, 'Parang bagay ka sa showbiz. Ganyan ang kailangan ng showbiz, yung totoo.'"


Suportado ni Cristine Reyes ang kanyang mister na si Ali Khatibi ngayong nag-aartista na rin ito. 

"Happy naman ako," nakangiting pahayag ni Cristine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa presscon ng Spirit of the Glass 2: The Haunted, sa Limbaga Restaurant noong October 12.

Kuwento pa ng 28-year-old actress, "Noong nakilala ko kasi si Ali, sabi ko sa kanya, yung personality niya, bagay siya sa showbiz.

"Kasi, kaya niyang makipag-usap to anyone. Kaya niya yung...

"Parang ako, may effort kasi ako. Hindi ako yung ma-PR na tao.

"Kumbaga, tahimik lang ako, di ba? Si Ali yung kabaligtaran ko.

"Kaya sabi ko sa kanya, 'Parang bagay ka sa showbiz. Ganyan ang kailangan ng showbiz, yung totoo.'"

Binanggit namin kay Cristine ang pahayag noon ni Ali, 34, na "napakatotoo" ng asawa niya. Kumbaga, what you see is what you get.

"I’m too real," sabi naman ni Cristine.

"Si Ali kasi, wala, siya yun.

"Nakikita kong may potential din.

"At the same time, yung mga directors niya, sinasabing magaling siya.

"So ako, happy ako for him."

BABY NUMBER TWO? Apat na taon na ang relasyon nina Cristine at Ali mula nang magsama sila.

Kumusta ang apat na taon?

Tugon ng aktres, "Okey naman, ups and down, pero all in all, okey. Okey kami."

Gusto na ba nila ng baby number two?

"Gusto ko nga sana, kaya lang, work muna.

"At saka gusto ko sana, kung masusundan, gusto ko sana lalaki."

Masaya na raw siya sa dalawang anak. Kung maging tatlo man, bonus na raw yun para sa kanya.

"Pero si Ali, ang gusto niya, apat o lima.

"Ang hirap naman nun, grabe!" natawang sabi ni Cristine.

"Pero sa ngayon, gusto talaga naming ibuhos muna ang time namin for Amarrah."

Natawa naman si Cristine nang sabihin naming marami ang nagulat na seryoso pala siya sa buhay-may asawa at bilang nanay. Na kaya niyang panindigan ang pagiging misis at mommy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong dalaga kasi siya ay tila may pagka-pasaway ang personalidad niya.

"Surprising ba yun?" natawang sabi ng StarStruck alumna.

"Nice to hear kung ganun ang tingin ng mga tao. 

"Ako kasi, affectionate naman talaga ako.

"Siguro natatakpan lang yun ng mga issues before because I’m too real. Parang hindi accept ng mga tao before na totoo.

"Pero I’m really like that in real life. I’m really affectionate, I’m really family-oriented."

Sa mga nakakakilala kay Cristine, alam nilang ang isa talaga sa pangarap niya ay maging nanay at magkaroon ng sariling pamilya.

"Yeah. Basta ako, kung paano ako inalagaan ng Daddy Metring ko, yung nag-alaga sa akin noong bata ako, ganun din ang ginagawa ko sa anak ko at sa asawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN