Dennis Trillo calls Jennylyn Mercado his "life partner"

IMAGE Instagram @mercadojenny

Dennis Trillo on girlfriend Jennylyn Mercado being 'the one': "Well, nakikita siyempre. Nandito pa rin kami hanggang ngayon. So, yun pa lang, dahilan na para masabi kong siya na."


Inamin ni Dennis Trillo, 36, na maituturing niyang “life partner” ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado, 30.

Paglalarawan ni Dennis sa relasyon nila ni Jennylyn, “Yeah, mas kalma.

"Siguro mas nag-mature yung pag-iisip ng konti kaya mas kaya namin i-handle yung relasyon ngayon—lahat ng mga nangyayari."

Bukod sa nagkakasundo sila sa lahat ng bagay, todo rin daw ang suporta nila sa isa’t isa.

“Siguro pag mahal mo yung isang tao, kailangan mo suportahan sa lahat ng mga gusto niyang gawin, sa lahat ng bagay na magpapasaya sa kanya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters si Dennis sa presscon ng The One That Got Away, ang bago nitong pagbibidahang romantic-comedy series ng GMA Network.

Ginanap ang event sa Puradak Chicken Restaurant, sa Timog Avenue, Quezon City, Miyerkules ng hapon, Oktubre 18.

Dalawang taon at kalahati na ang nakalilipas mula nang manumbalik ang pagmamahalan sa pagitan nina Jennylyn at Dennis.

Una silang naging magkasintahan noong first quarter of 2010, ngunit nauwi ang kanilang relasyon sa kontrobersiyal na hiwalayan noong March 2011.

Ngunit sa kabila ng pinagdaanan nila noon, hindi ito naging balakid upang sumugal ulit sila sa isa’t isa. 

Sabi pa ni Dennis, “first time” niyang makipagbalikan sa isang ex-girlfriend nang muling maging sila ni Jennylyn.

Maiksi ngunit nangingiting komento ng aktor, “Bumalik, e.” 

Tingin ba niya ay si Jennylyn na ang kanyang "the one"?

Sagot ni Dennis, “Well, nakikita siyempre. Nandito pa rin kami hanggang ngayon.

"So, yun pa lang, dahilan na para masabi kong siya na."

Sa ngayon, masaya raw sila ni Jennylyn sa takbo ng kanilang relasyon at hindi sila nagmamadaling sumabak sa pagpapakasal, kahit pa marami sa kaibigan nila ang lumagay na sa tahimik.

Ayon sa aktor, “Feeling ko, hindi maganda kung ipe-pressure namin yung sarili namin.

“Para at least, kung mangyari man yun, pareho naming ginusto, hindi pinilit or na-pressure dahil ganun yung nangyayari at nauuso sa mga nakikita .”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN