Elmo Magalona insists he and Janella Salvador are not yet in a relationship

IMAGE Instagram account of Janella Salvador / Noel Orsal

Elmo Magalona admits that he wants to court loveteam partner Janella Salvador, but says, "Hindi pa siya ready in a relationship, and I totally understand that."


Iginiit ni Elmo Magalona na hindi pa sila magkarelasyon ng ka-love team niyang si Janella Salvador.

Sinabi ito ni Elmo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa kanyang solo bloggers' conference, na ginanap sa ELJ Building, ABS-CBN compound, ngayong Huwebes, October 19.

Si Elmo ang bida sa upcoming episode ng Maalaala Mo Kaya sa Sabado, October 21.

Ito ang unang beses na magbibida siya sa Kapamilya drama anthology.

Ito rin ang unang proyektong hindi niya makakasama si Janella mula nang lumipat siya sa ABS-CBN noong 2015.

Sa presscon, diretsahang tinanong ng TV Patrol reporter na si MJ Felipe ang 23-year-old actor-rapper kung sila na ba ni Janella.

Nakangiting tugon ni Elmo, "Hindi pa."

Alam naman daw niyang hindi pa priority ng 19-year-old singer-actress ang pakikipagrelasyon.

Saad pa ng binata, "Janella is... hindi naman siya super-bata pa, pero hindi din naman yun yung priorities niya, and I respect that naman na hindi ko siya minamadali.

"Hindi ko siya minamadali, but I'm just happy na meron kaming... we're both happy."

Hindi pa raw nililigawan ngayon ni Elmo si Janella, pero hihintayin niyang maging handa ito.

"Gusto ko umabot sa ganun," nakangiti niyang sinabi.

JANELLA'S MOM. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na istrikta ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio.

Minsan na ring nadawit ang pangalan ni Elmo sa alitan ng mag-ina.

Si Elmo diumano ang tinutukoy ni Jenine sa Twitter post niyang "who looks & pretends to be decent but sneaks behind my back."

Pinabulaanan naman ito ni Janella, at sinabing hindi si Elmo ang tinutukoy ng kanyang ina sa tweets nito.

Sinabi ni Elmo na hindi rin si Jenine ang dahilan kaya hindi pa nagiging sila ng Kapamilya young actress.

"Hindi, no. It's just, really, si Janella, hindi pa siya ready in a relationship, and I totally understand that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Jenine tweets warning to mystery guy linked to Janella
Jenine tweets warning to mystery guy linked to Janella
Is Jenine referring to Elmo in her loaded tweets?
Is Jenine referring to Elmo in her loaded tweets?
Janella clears Elmo in her mom's cryptic tweets
Janella clears Elmo in her mom's cryptic tweets
ElNella mum on Jenine Desiderio's cryptic tweets
ElNella mum on Jenine Desiderio's cryptic tweets


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN