Danita Paner clarifies incident with director Cathy Garcia-Molina at La Luna Sangre taping

IMAGE Glenn Regondola

Danita Paner on her experience working with director Cathy Garcia-Molina: "Iba lang talaga yung work ethics niya. Nanginig talaga ako, hindi ako nakakain. Pero I respect her. First time ko talaga, nakakailang buckle ako... sobrang takot, naninigas na ako."


Itinanggi ni Danita Paner ang balitang sinugod ng kanyang ina na si Daisy Romualdez ang La Luna Sangre director na si Cathy Garcia-Molina.

Ito ay pagkatapos diumanong makatikim ng mura ni Danita mula kay Direk Cathy sa taping.

Ang La Luna Sangre ay ang primetime series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Paglilinaw ni Danita, “Hindi naman [sinugod]. Ang alam ko, nag-usap sila, maayos naman."

Pero inamin ng 28-year-old actress-singer na natakot siya kay Direk Cathy.

Lahad niya, “Nung time na yun, natakot talaga ako. Naka-isang taping day ako.

“Natakot talaga ako, medyo magulo ang isip ko noon. Takot na takot ako, naalala ko yung nanay ko dati.”

Kilala sa pagiging palaban at mataray si Daisy, na dating artista ng Sampaguita Pictures.

Sabi pa ni Danita tungkol kay Direk Cathy, “Iba lang talaga yung work ethics niya.

“Nanginig talaga ako, hindi ako nakakain. Pero I respect her.

“First time ko talaga, nakakailang buckle ako... sobrang takot, naninigas na ako.

"Hindi naman ako nagba-buckle, anong nangyayari sa akin? Naninigas na ako."

Pero dagdag niya, “Nung nag-pack up, nagkaroon naman kami ng conversation.”

Pinagdudahang may trauma si Danita dahil strict disciplinarian ang kanyang ina.

Pero ayon sa aktres, nag-mellow na ang Mommy Daisy niya.

“Malaki na ang ipinagbago ni Mommy. Tahimik na, surprisingly, sa wakas.

“Ganoon talaga ang mothers, hindi natin maaalis ‘yan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danita sa pagpirma niya ng five-year management contract sa Viva Artists Agency, kahapon, October 19.

WILDFLOWER. Halos anim na buwan na nagpahinga sa showbiz si Danita kaya may mga isyung hindi niya personal na nasagot.

Isa na rito ang pagkawala niya sa cast ng Wildflower, ang early primetime drama series ng ABS-CBN.

Ipinaliwanag ni Danita kung bakit nag-backout siya sa proyekto.

Lahad niya, “Ang nangyari po kasi noon, hindi ko alam kung anong karakter, sinabi lang sa akin na part ako ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After noon, nag-pictorial na. During pictorial, tinanong ko, ‘Ano po ba yung character sketch?’

“Kasi, wala akong idea, ayoko naman sumalang na hindi ko alam yung gagawin ko.

“So, nung sinabi sa akin [na sexy], sabi ko, hindi ko kaya.”

Patuloy ni Danita, “May lumabas na isyu na tumanggi raw ako dahil ayokong magpagupit... ang babaw naman. It’s very lame.

“Hindi ko po siya tinanggap kasi, at that time, feeling ko, hindi ko kayang gawin yung role—sobrang sexy.

“Malala kasi ang pag-explain sa akin ng character sketch.

“Sabi ko, kung hindi ko maibibigay ang 100 percent ko, mapapahiya lang ako. Habang hindi pa nag-start, aalis na lang ako.”

Pero inamin ni Danita na may panghihinayang siyang nararamdaman dahil isa ang Wildflower sa top-rating programs ngayon ng ABS CBN, at nagkaroon ng bagong sigla ang acting career ni Roxanne Barcelo na ipinalit sa karakter na dapat na gagampanan niya.

Saad niya, “Sayang, pero this time, ready na ako.

“Hindi naman sobra, somewhere in between.

“Since TV naman, hindi naman siguro ganoon kalala.”

Ngayon daw ay seryoso si Danita sa desisyong tumanggap ng daring roles, kung ito ang kailangan, dahil hinahanap ng katawan niya ang pag-arte.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN