Dionne Monsanto clarifies visit to GMA Network: "Meeting pa lang yun... Hindi yun contract signing."

IMAGE Melo Balingit

Dionne Monsanto on taking new challenges in her acting career: "I've been acting for fifteen years. Teenager pa lang ako sa Cebu, umaarte na ako doon. And it's about time na I take a different turn sa career ko."


Hindi pa pumipirma ng kontrata sa GMA Network ang aktres na si Dionne Monsanto.

Ito ang nilinaw mismo ng 31-year-old actress tungkol sa kumalat na balitang iniwan na niya ang ABS-CBN at isa na siyang Kapuso.

Kaugnay ito ng lumabas na larawan ni Dionne, kasama ang dating Kapamilya actor na si Matt Evans, habang nasa lobby ng GMA Network Center.

Nasa bakuran na ng Kapuso network si Matt, na dati ring Pinoy Big Brother housemate kagaya ni Dionne.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dionne media launch ng Christmas By Manila Bay, sa Café Rizal ng Rizal Park Hotel, noong October 18, sinabi niyang wala pa siyang sisimulang proyekto sa Kapuso network.

Pahayag niya, “Meeting pa lang yun with the people of GMA-7. Hindi yun contract signing.

“Wala pa kasi akong gagawin na show with them.

“But I am looking forward for the opportunity to work with the talents of GMA-7 very soon.

“Sa ngayon daw kasi, wala pa silang sisimulan na bagong show, kasi patapos na ang taon.

“Okey lang naman yun because may ibang projects din akong pinagkakaabalahan hanggang sa pagtapos ng taong ito.

“More outside of television ang ginagawa ko ngayon, and I’m liking it.

"Ibang-iba sa mga nakasanayan ko na ng trabaho sa showbiz.”

Nanghinayang din si Dionne na hindi natuloy ang pagpasok niya sa isang teleserye ng ABS-CBN dahil nagkaroon ng conflict sa schedules niya.

Noong nakaraang buwan ay inanunsiyo na kabilang si Dionne sa cast ng Love Will Lead You Back, na pagbibidahan nina Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos, at Yam Concepcion.

Pero hindi na siya matutuloy rito.


Stories We Are Tracking

Ex-<em>PBB</em> housemate Dionne Monsanto transfers to GMA-7
Ex-PBB housemate Dionne Monsanto transfers to GMA-7

Ayon kay Dionne, “I’m part of a group na nag-o-organize ng events.

“Like, sa December 1, may live comedy show kami nila Dodj Mallari and Tart Carlos na Walang KokontraBIDA sa Newport Performing Arts Theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, sa December 15 naman, kami rin ang host ng Christmas By Manila Bay, which is a charitable project ng Department of Tourism.

“May mga scheduled rehearsals na kasi kami for Walang KokontraBIDA.

“Medyo buwis-buhay ang mga rehearsals, kasi may mga choreography na kailangang matutunan ko.

“Kaya hindi na rin ako maka-commit to do a teleserye ngayon.

“Mas focused ako sa gagawin namin na live show at sa hosting ng mga events.”

NO CONTRACT. Nilinaw rin ni Dionne na hindi pa siya pumipirma ng kontrata sa AGP House of Characters, na siyang nagma-manage sa kanya ngayon.

“I haven’t signed with them yet. Nothing is official between me and AGP.

“Magmi-meeting pa rin kami tungkol diyan.

“But I am happy to be working with them and sa mga magbubukas na magandang opportunities para sa akin.”

Ayon pa sa aktres, “Maganda pa rin naman ang relationship ko with Star Magic and I don’t want to burn bridges.

“Kung puwede akong magtrabaho with both networks, bakit naman hindi, di ba?”

Two years na raw walang kontrata si Dionne sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, kaya libre siyang tumanggap ng ibang projects sa labas.

Pahayag niya, “Mabuti na rin yung wala na akong kontrata with Star Magic, kasi may mga projects na dumarating.

“Like, I did an indie film sa Japan, and pinasok ko na rin ang paggawa ng live comedy show.

“Bukod pa diyan, may iba rin akong inaasikasong project that will involve yung naging character ko sa Tubig at Langis na si Madame Lucy.

“Pinasok ko na rin kasi ang part ng creative team para mag-level up naman tayo.

“Yung hindi ka lang artista, kasi involved ka rin sa mga projects na ginagawa mo."

Dagdag pa ni Dionne, “I’ve been acting for fifteen years. Teenager pa lang ako sa Cebu, umaarte na ako doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it’s about time na I take a different turn sa career ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN