Pauleen Luna attests to Vic Sotto being a good father: "I see that with how his children treat him."

IMAGE Nerisa Almo

Pauleen Luna on Vic Sotto as a father: "I've seen him as a father kasi to his four other children—very loving and very caring. I just don't see that with how he treats his children. I see that with how his children treats him."


Natabunan na raw ng excitement ang dating takot ni Pauleen Luna sa pagbubuntis.

Kung dati ay lubos ang pag-aalala niya tungkol sa pagkakaroon ng anak, ngayon ay sabik na raw siya sa pagdating ng "Baby T" nila ng mister na si Vic Sotto.

“I'm just excited to have a baby,” sambit ng 28-year-old TV host-actress.

“Noong hindi pa ako buntis, sabi ko, 'Shucks, siguro yung pagpapanganak is one of the most scariest moments in my life.'

“Kasi, di ba, imagine a human being will exit your body?

“Pero pag nandun ka na pala, mas mabigat yung excitement, kaya parang hindi mo na iisipin yung hirap.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen Luna sa inihandang baby shower para sa kanya ng Aprica, kasama ang Eat Bulaga! Dabarkads, kahapon, October 20.

VERY GOOD FATHER. Kagaya ni Pauleen, tila bagong karanasan din daw ang pagbubuntis niya para sa kanyang 63-anyos na asawa.

May apat na anak na si Vic mula sa mga dati niyang relasyon.

Dalawa ang naging anak nila ng unang asawa niyang si Dina Bonnevie—ang celebrities ding sina Danica Sotto-Pingris, 34, at Oyo Sotto, 33.

Nagkaanak din ang comedian-TV host sa aktres na si Coney Reyes—ang Pasig City councilor na si Vico Sotto, 28.

Ang kanyang bunso na si Paulina Sotto, 25, ay anak niya sa dating actress-model na si Angela Luz.

Sabi ni Pauleen tungkol kay Vic, “Parang first na ulit kasi nakalimutan na niya.

“Parang first niya ulit, kasi ngayon, pag hinawakan niya [yung baby], natatakot siya, parang hindi siya nakahawak ng apat.

“Kasi nga, matagal na, parang first time siya ulit.

“And ang dami niyang, 'Ah, ganun pala 'yan, ganyan pala.'”

Pero sigurado raw si Pauleen na magiging mabuting ama si Vic.

Saad niya, “I've seen him as a father kasi to his four other children—very loving and very caring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just don't see that with how he treats his children.

“I see that with how his children treat him.

“Doon ko nakikita na ang galing na tatay nito, kasi grabe yung respeto, yung pagmamahal na ibinibigay ng mga anak niya sa kanya.

“So, he must have been a very good father, di ba, kasi ibinabalik nila sa kanya.”

Dahil sa obserbasyon niyang ito, sabi ni Pauleen, “I'm very excited, kasi I know that he's gonna be a great father,

“I'm not assuming, kasi I've seen it.

“I've seen how his relationship with his children is.

“Alam ko na he's gonna be a very good father.”

ON PARENTING. Sa kaso naman ni Pauleen, hindi pa raw niya alam kung paano siya magiging ina sa kanyang unang anak.

“Siguro ako yung bad cop, siguro siya [Vic] yung good cop.

“Kasi siyempre, his fifth na rin, e. This is not his first.

“Ako naman, since hands-on nga, di ba, ganun naman normally ang nangyayari?

"Yung mas hands-on, yun ang mas disciplinarian."

Sa palagay ni Pauleen din ay magiging katulad niya ang kanyang mga magulang.

“My parents are disciplinarians, and I benefited from that when I grew up.

“Na-realize ko kung gaano kaimportante ang may nagdidisiplina sa pamilya.

“Oo, okay lang na hindi mo pinahihirapan yung bata, na spoiler ka.

“Pero yung bata, paglaki, hindi ka confident sa kanya.

“Ako, gusto ko, confident ako sa kanya sa mga values na ituturo ko sa kanya.”

Kampante rin daw si Pauleen dahil marami sa kaibigan niya ang handang gumabay sa kanya pagdating sa pagiging magulang.

“Yung sa mga taga-Eat Bulaga!, almost all of my co-hosts are mothers, so even at the very start of the pregnancy, ang dami na naming nakukuhang tips and natatanong sa kanila.

“They're my 24/7 hotline. I'm well supported by my friends.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasahan ng mag-asawang Pauleen at Vic ang pagsilang ni Baby T sa November.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN