Has Glaiza de Castro found love in Nepal?

IMAGE Glaiza de Castro Instagram

Sa palagay ni Glaiza de Castro, isang foreigner ang makakatuluyan niya, at hindi kapwa Pinoy. Sabi ng Kapuso ng Kapuso actress, "Feeling ko, feeling ko! Gusto kong magkaanak na may kulay ang mata—yung bluish or greenish gray!"


Aminado ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro na sa tinagal-tagal niyang walang love life, mukhang magkakaroon na siya ulit sa mga susunod na araw.

Ito ay sa katauhan ng isang German guy, na ayaw pa niyang pangalanan.

Nakilala ito ni Glaiza sa biyahe nila ng kaibigang si Angelica Panganiban sa Nepal ilang linggo na ang nakararaan.

Ayon sa 29-year-old actress, nakasama nila ang German guy sa isang bahagi ng kanilang adventure, at dito na nagkapalagayan ang kanilang loob.

Natatawang sabi ni Glaza nang usisain siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang love life, “Meron na... ay, hindi, hindi!”

Pero patuloy niya, “Hindi, wala pa, pero… basta tingnan na lang natin.

“Getting-to-know pa lang.

“Ito, na-meet ko sa Nepal.

“Hindi siya Nepalese, German siya.

“Na-meet namin dun.

“Siyempre, when you travel, nakaka-meet kayo ng mga taong...

“Mula noong nag-meet kami, hanggang ngayon, nag-uusap pa rin kami.”

Nakausap ng PEP.ph si Glaiza sa pocket presscon para sa concert niyang Kun(g)diman.

Gaganapin ang concert niya sa Music Museum sa October 27.

THE GERMAN GUY. Nagpapalipad-hangin na ba ang German guy na ito sa kanya?

Tugon ni Glaiza, “Nothing romantic, nothing personal.

“Kumbaga, parang nag-gain lang kami ng mga panibagong friends.

“Hindi naman namin kasi ini-expect  na... kahit naman sa Bhutan, nagkaroon kami ng new friends, yung tour guides namin dun.

“May mga Nepalese din kaming na-meet.”

Interesado ba ang German guy na puntahan siya rito sa Pilipinas?

Tugon ng Kapuso actress-singer, “Well, interested siya.

“Masyado pang maaga...

“Nagtatanung-tanong lang kung ano ang magandang puntahan sa Pilipinas, ano ang masarap kainin, kung ano ang local favorites dito….

“Interested siya sa Philippines.”

Magaan naman daw ang loob niya sa German guy na ito.

“Magaan, kasi yung buong experience namin doon, magaan, as in masaya.

“Wala kaming na-meet na bastos, lalo na't dalawa lang kaming babae ni Angelica.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pakiramdam daw si Glaiza na ang kapalaran niya sa pag-ibig ay para sa foreigner at hindi sa kapwa Pinoy.

Natatawang sabi niya, “Feeling ko, feeling ko!

“Gusto kong magkaanak na may kulay ang mata—yung bluish or greenish gray!”

Consistent naman daw na nakikipag-communicate sa kanya ang German guy, pero ayaw pa muna ni Glaiza mag-assume na manliligaw ito sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN