Sancho delas Alas doesn't doubt Gerald Sibayan's sincerity to mom Ai-Ai

IMAGE Allan Sancon

Botong-boto si Sancho delas Alas (in photo) kay Gerald Sibayan, na mapapangasawa ng inang si Ai-Ai delas Alas: "Kumbaga, 100 percent ako kay Gerald, without a doubt. Tsaka nakikita ko kung paano niya inaalagaan si Mama." 


Abugado ang turing ni Sancho delas Alas sa sarili pagdating kay Gerald Sibayan, ang fiancé ng kanyang inang si Ai-Ai delas Alas.

Sabi ng Ang Probinsyano actor, “Opo, abugado ako ni Gerald.

“E, kasi, nakikita ko naman po kung paano niya alagaan si Mama, e.

“Tsaka at times, yun nga po, kaya ko sinabing abugado ako ni Gerald, kasi minsan meron silang hindi pagkakaunawaan ni Mama, sa akin siya tumatakbo, na parang, 'Kumpadre, kausapin mo naman si Mama mo, o.’

“'Sige, akong bahala, ano bang nangyari?’

“So, ia-analyze ko muna siyempre. Hindi naman ako puwedeng basta pumanig sa kanya.

"At the same time, di rin naman ako basta-basta papanig kay Mama.

“Kumbaga, gine-gauge ko rin kung paano ko kakausapin si Mama, paano ko ire-relay yung gustong sabihin ni Gerald.”

Wala naman daw magbabago sa samahan nila ni Gerald ngayong magiging opisyal na nilang kapamilya ang kanyang "kumpadre."

“Yes, that won’t change,” sabi ng panganay na anak ng Kapuso Comedy Queen.

Hindi ba “Daddy” o “Papa” ang itatawag ni Sancho sa magiging stepfather niya?

Nakangiting sagot nito, “Ang weird naman nun. Dad?

"Hindi, kumpadre pa rin, matagal na po namin na-establish yun."

Mas matanda si Sancho ng ilang taon kay Gerald.

Patuloy niya, “And tsaka dream din kasi talaga namin kay Mama na maikasal, e.

"Alam naman po siguro ng lahat yun.

“And this time, kasi ang daming nagsasabi na, 'Iiwan ka niyan… kumbaga, pera lang yung habol.'

“E, kasi, nakikita ko po si Gerald sa bahay, e. Tsaka marami nang napatunayan si Gerald sa amin.

“Kumbaga, 100 percent ako kay Gerald, without a doubt.

"Tsaka nakikita ko kung paano niya inaalagaan si Mama."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sancho sa presscon at premiere night ng kinabibilangan nitong pelikula, ang Bes And The Beshies, noong Martes, October 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bida sa pelikula ang ina ni Sancho na si Ai-Ai delas Alas.

"MASIPAG" GERALD. Pinatotohanan ni Sancho na hindi ginagawang gatasan ni Gerald ang kanyang ina, na kilalang yumaman na sa showbiz.

Masipag at maprinsipyo daw ang mapapangasawa ng ina.

"Opo, opo, napakasipag po nun ni Gerald, tsaka iba yung prinsipyo nung taong yun."

May mga ginawa ba siyang pagsubok upang mapatunayan ang katapatan ni Gerald sa ina?

Tugon ni Sancho, “Actually, hindi po namin siya sinubukan, sinubaybayan lang po namin siya, kung paano siya kay Mama.

“Kasi, pagdating po sa pag-ibig or pagdating po sa love life ni Mama, hindi naman po kami nangingialam, e.

"Kumbaga, ang usapan po kasi namin ni Mama simula nung bata kami, ‘Kung saan ka masaya, dun din kami.’

“Kumbaga, the only time na eentrada kami, 'Pag hindi ka na masaya or kung kunyari nagkakagulo,' ganyan, or nakikita na namin na umiiyak siya or nagkakaproblema siya, that’s the only time na mangingialam kami.”

Nakikita raw nilang magkakapatid na iba ang saya ng ina sa piling ni Gerald, hindi katulad sa mga nagdaang relasyon nito.

Sabi ni Sancho, “Yes, opo. Tagasuporta talaga kami, tsaka pinu-push namin.

“Tsaka masaya, e. Masaya sila sa isa’t isa.

"So, hindi ako nakakakita ng kahit anong rason para pigilin yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN