Raquel Pempengco denies Jake Zyrus's claim they've reconciled: "Hindi kami okay."

IMAGE Facebook / Noel Orsal

Raquel Pempengco on people who continue to judge her: "Ano bang klaseng pagtanggap ba ang gusto ni Charice? Wala na nga akong kaalam-alam sa mga pinaggagawa niya ngayon. Kahit na nagpatanggal siya ng dede… Ikaw ang tatanungin ko, ganyan ka ba sa magulang mo? Nagpatanggal ka ng dede, ni 'Mommy, magpapatanggal ako…' wala. Kung ikaw ang magulang, ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa katayuan ko?"


Kinontra ni Raquel Pempengco ang pahayag ng anak na si Jake Zyrus—dating kilala bilang Charice Pempengco—na maayos na ang relasyon nila at may komunikasyon na silang muli.

Nag-ugat ang panibagong gusot sa mag-ina nang ilahad ni Jake ang kuwento ng kanyang buhay sa drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya (MMK).

Base sa episode na umere noong August 26, isang malupit na ina raw si Raquel.

Ipinakita rito ang pananakit at pamimilit umano ni Raquel kay Charice para sumali sa mga singing contest.

Nakatikim din daw ng maraming masasakit na salita si Charice mula sa ina.

Noong sumikat at nagkapangalan na si Charice, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo, winawaldas lamang daw ng ina ang perang ibinibigay ng anak.

At higit sa lahat, hindi raw matanggap-tanggap ni Raquel ang pagiging tomboy ni Charice.


Stories We Are Tracking

Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's <em>MMK </em>episode
Raquel Pempengco angry about Jake Zyrus's MMK episode
Jake Zyrus's mother insists she is innocent of Jake's charges
Jake Zyrus's mother insists she is innocent of Jake's charges
Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, <em>MMK</em>
Raquel Pempengco mulls filing libel against Jake Zyrus, MMK
Jake Zyrus stands by <em>MMK</em> life story despite mom's anger
Jake Zyrus stands by MMK life story despite mom's anger

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Raquel sa telepono noong Miyerkules, October 18, binigyang-linaw nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutuldukan ang alitan nila ni Jake.

Saad niya, “Mula nang inilabas ang MMK, hindi pa siya nag-aano sa akin... ni ha, ni ho, sa text or sa call, sa Facebook, wala.

“Hindi kami okay… yun nga, e, bakit kinakailangang sabihing okay?

“Baka okay sila nila Nanay, pero sa amin, hindi.”

Ang tinutukoy ni Raquel ay ang kanyang ina at lola ni Jake na si Thess Pineda.

Patuloy ng ina ni Jake, “Siguro alam niya kasi ang ugali ko, na kahit na sinasabi niyang okay, kahit anong gawin niyang pagsisinungaling o kahit na ano ang gawin niyang pagkakamali sa akin, ako pa rin ito.

“Kaya niyang sabihin, ‘O, Mommy, uuwi ako any time,’ tatanggapin ko pa rin.

“Kaya yun ang ikinasasama ng loob ko, lagi niyang sinasabing okay, e, hindi naman kami okay. Sana man lang, huwag ganun na sasabihin niya na okay, tapos hindi naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagsisinungaling pa rin siya hanggang ngayon.”

Sinabi ni Jake na nagkaayos na sila ng ina sa panayam sa kanya ng reporters sa Himig Handog presscon noong October 12.

NO EFFORT FROM JAKE. Ayon kay Raquel, halos tatlong taon na mula nang lumayas si Jake sa poder niya.

Sa loob daw ng panahong iyon, walang effort ang anak para makapag-usap sila at maayos ang problema nila.

“Simula nang naglayas sila, magta-tatlong taon na mula ngayon, wala pa din.

“Bakit hanggang ngayon ginagawa niyang kasinungalingan ang buhay niya?

“Ako, kung tutuusin, ayoko nang maglabas ng kung anu-ano, pero sana man lang…

“Kung gusto niya ng tahimik, huwag na siyang magsinungaling pa, at lalong nadadagdagan lang ang kasalanan niya sa akin.

“Kasi, alam mo, pinauulit-ulit ko nga, e, mula sa MMK na una, Magpakailanman na palabas, tapos itong MMK... sa tatlo na ‘yan, ano ang totoong istorya?

“Kasi, lahat yun, iba-iba.”

Tatlong beses naisadula ang buhay ni Charice/Jake sa mga drama anthology.

Una, sa Maalaala Mo Kaya noong 2008, kung saan si Zsa Zsa Padilla ang gumanap na Raquel at si Charice ang gumanap sa kanyang sarili.

Pangalawa, sa Magpakailanman ng GMA-7 noong 2013, kung saan inilahad ni Charice ang kanyang sexual orientation.

Si Charice muli ang gumanap sa sarili niya at si Glydel Mercado naman ang gumanap na Raquel.

Pinakahuli nga ang MMK episode nito lamang Agosto, kung saan kilala na sa pangalang Jake Zyrus ang international singer.

Si Dina Bonnevie ang gumanap na Raquel sa pagkakataong ito.

ACCEPTING JAKE. Ikinasasama rin daw ng loob ni Raquel ang panghuhusga sa kanya ng ibang tao, na nagsasabing hanggang ngayon ay hindi pa niya matanggap ang tunay na katauhan ni Jake.

Lahad ng ina ni Jake, “May nagpunta din dito sa amin, publisher daw siya.

“May pinabasa siya sa akin sa diyaryo, na hindi pa kami okay [ni Jake], sabay sabi sa akin nung nag-i-interview na, ‘Kasi, Mommy, tanggapin mo na kung sino siya para magbati na kayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Ano po ang alam ninyo, bakit sinasabi ninyo sa akin na tanggapin ko siya?'”

Diin ni Raquel, “Matagal ko nang tanggap kung sino siya, kasi ako pa nga ang naunang nakaalam.

“Sinabi ko pa nga sa kanya na ilihim muna niya dahil malaki ang mawawala sa kanya, pati ang career niya mawawala.

“Yun nga ang malaking tanong ko lang sa kanya rin, sana maano din sa lahat ng news, ipapaalam ko lang, kasi masyado akong husgahan ng tao.

“Kahit nga si Boy Abunda, napanood ko…”

Himutok pa niya, “Ano bang klaseng pagtanggap ba ang gusto ni Charice?

“Wala na nga akong kaalam-alam sa mga pinaggagawa niya ngayon.

“Kahit na nagpatanggal siya ng dede…

“Ikaw ang tatanungin ko, ganyan ka ba sa magulang mo?

“Nagpatanggal ka ng dede, ni ‘Mommy, magpapatanggal ako…’ wala.

“Kung ikaw ang magulang, ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa katayuan ko?

“Yun lang ang tanong ko, bakit ganun ako husgahan, na hindi ko tanggap?

“Matagal na namang lumalabas ang issue na ‘yan, tapos ngayon humingi lang siya ng sorry, dumating na si Alyssa, dumating na si Courtney… alam ko nang lahat ‘yan."

Ulit ni Raquel, “Ano pang pagtanggap ang gusto ni Charice?”

Ang singer na si Alyssa Quijano at ang yumaong manager ni Charice na si Courtney Blooding ang mga naugnay sa anak ni Raquel.

Payo pa ni Raquel sa anak, huwag nitong daanin sa interviews ang pakikipag-ayos sa kanya.

“Gawin na lang niya, huwag na lang niyang sabihin sa showbiz.

“Kasi, showbiz na ang buhay niya, pati buhay naming mag-ina, ginagawa na rin niyang showbiz.

“Mag-effort siya. Kasi ako, matagal na akong nag-e-effort, napapagod din ako.”

Aniya pa, “Wala akong number ni Charice, hindi ko rin alam kung ano ang account niya dahil marami siyang account na ginagamit.

“Nagti-text ako sa manager niya, hindi rin sumasagot ang manager niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, sinabi ni Raquel na bilang isang ina, laging bukas ang puso niya sa pagbabalik ng anak.

“Lagi namang ganun ang sitwasyon ko, naghihintay ako sa pagbabalik ng mga anak ko.

“Kahit na ano pa ang gawin sa akin, tanggap ko pa rin, open arms pa rin.”


Stories We Are Tracking

Raquel Pempengco says she has forgiven Jake Zyrus
Raquel Pempengco says she has forgiven Jake Zyrus
Raquel Pempengco not yet ready to face Jake Zyrus
Raquel Pempengco not yet ready to face Jake Zyrus
Jake Zyrus optimistic about reconciliation with mom Raquel
Jake Zyrus optimistic about reconciliation with mom Raquel


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN