Ronnie Alonte admits tinge of jealousy over pairing of Loisa Andalio and Joshua Garcia

IMAGE Noel Orsal

Ronnie Alonte is happy for Joshua Garcia and Julia Barretto. What about his own love life? "Wala," he answers quickly, but adds, "Masaya ako kung ano ang mayroon ako at kung ano ang mayroon kami." Was he referring to Loisa Andalio?

 


Aminado si Ronnie Alonte na nakakaramdam siya ng konting selos sa pagtatambal nina Loisa Andalio at Joshua Garcia sa seryeng The Good Son ng ABS-CBN.

Ito ay sa kabila ng pagiging open book ng espesyal na pagtitinginan nina Joshua at Julia Barretto.

Minsan na rin kasing na-link sina Loisa at Joshua.

Kaya, ayon kay Ronnie, “Mayroon, paunti-unti, pero wala naman yun kung may tiwala ka naman sa tao, ‘di ba?

“'Tsaka tiwala ako kay Loisa, trabaho lang naman yun.

“Ako din naman, mayroong pinapares sa akin na iba, so okey lang.

“Pag trabaho, trabaho lang, malay mo soon magka-work kaming dalawa, so hayun.”

Nagkasama sina Ronnie, Joshua, at Julia sa pelikulang Vince, Kath and James.

Naging magkapareha rin sina Ronnie at Julia sa seryeng A Love To Last.

Masaya  naman daw ang dancer/actor sa magagandang kaganapan sa career at personal na buhay nilang tatlo.

Aniya, “Masaya ako, okey naman silang dalawa sa akin… maganda yung pinagsamahan namin. 

“Kung ano ang mayroon sila, masaya ako.”

Nakapanayam si Ronnie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kamakailan sa set ng It's Showtime.   

DENY, DENY. Sa kabila ng pag-amin nito sa konting selos, consistent pa rin si Ronnie sa pagsabi na magkaibigan lang sila ni Loisa.

Dahil patuloy pa rin ang pag-uugnay sa kanilang dalawa, naisip ba ni Ronnie na baka nasasaktan si Loisa sa pagde-deny niya?

Tugon ng Hashtag member,  “Di ko siya dine-deny, nakikita ko din naman ang mga interviews sa kanya… 

“Ang totoo talaga niyan, mabuti kaming magkaibigan ni Loisa.

“Hanggang dun na lang muna kasi trabaho muna ang iniisip namin.”

Hindi rin naman daw ideneny ni Ronnie na lumalabas naman talaga sila ng young actress.

Sabi niya, “Hindi ko naman itatanggi kasi may mga litratong lumabas na magkasama kami.

“Bestfriend? Siguro ganun, bestfriends talaga… yung ibang mga tao, iba lang talaga ang tingin nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin kung may love life ba siya ngayon, agad sumagot si Ronnie ng “Wala.”

Lahad pa niya, “Masaya ako kung ano ang mayroon ako at kung ano ang mayroon kami.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN