Marco Gumabao, 23, ready to reinvent himself: "I don't wanna be known as the pa-tweetums actor."

IMAGE PR

Marco Gumabao is ready to reinvent himself: "I don't wanna be known as the pa-tweetums actor who started in LuvU. I'm not getting any younger, hindi puwedeng mag-stick lang ako sa kung saan ako nagsimula."


Kinumpirma ni Marco Gumabao na kabilang siya sa mga ipakikilalang celebrity endorsers ng Bench Body sa Underwear and Denim Fashion Show, na mangyayari sa Mall of Asia Arena sa November 18.

Tinanggap ni Marco ang offer na rumampa siyang underwear lamang ang suot dahil bahagi raw ito ng reinvention niya bilang mature actor.

Sa exclusive interview nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi niyang ang pagususuot ng underwear ang pinaka-daring na magagawa niya sa runway.

"Noong Star Magic talent pa lang ako, sinasabihan na ako na mag-ready na para mag-underwear dahil may mga underwear company na gusto na kumuha sa akin.

"But at that time, I wasn’t ready yet."

Kaya naghanda ang 23-year-old Viva talent, physically and mentally.

Kasama sa paghahandang ito ang kanyang reinvention.

"So, now na mas tumanda ako at mas naging seryoso ako sa workout ko, I mentally prepared myself for it.

"Tatapangan ko na lang ang sarili ko.

"I don’t wanna be known as the pa-tweetums actor who started in LuvU.

"I’m not getting any younger, hindi puwedeng mag-stick lang ako sa kung saan ako nagsimula.

"Sometimes, reinventing yourself can be a good thing."

Gusto raw niyang mag-stand out sa runway nang hindi kailangang magpakita ng higit pa sa briefs or trunks.

Aniya, "Aside from working out, intense diet rin ang kailangan.

"It's gonna be my first fashion show for Bench. I wanna take it seriously.

"As of now, I’m still thinking of what to do para mag-stand out ako among the rest.

"I guess, surprise na lang sa show mismo.

"I think the most daring na I can do is mag-underwear.

"Ayoko rin naman lumagpas dun, for my image rin.

"Ayoko naman makilala as Marco Gumabao na laging naghuhubad or nagpapakita ng katawan."

Isang buwan bago ng 30th anniversary fashion show ng clothing brand, parehong kaba at tuwa ang nararamdaman ni Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi ng binata, "I’m really nervous given that this will be my first time na underwear lang ang suot ko sa harap ng maraming tao.

"I expect a lot of my friends teasing me after the show, hahaha!

"But I’m sure a lot of my fans will appreciate also the hard work and dedication I put in for the show.

"I’m really excited. All I want is to make everyone happy. Excited din ako na makita sila sa crowd."

Hihingi rin daw siya ng pointers mula sa kanyang kapatid, ang international plus-size model na si Kat Gumabao, na naranasan nang rumampa sa New York Fashion Week at Paris Fashion Week.

"Of course, if may matuturo siya sa akin, I'd gladly listen to it,” pahayag ni Marco.


Stories We Are Tracking

Meet Michelle and Marco Gumabao's international model sister
Meet Michelle and Marco Gumabao's international model sister
Katrina Gumabao is about to conquer the Paris runways
Katrina Gumabao is about to conquer the Paris runways
Marco Gumabao attends Star Magic Ball despite invite issue
Marco Gumabao attends Star Magic Ball despite invite issue
Marco Gumabao says Star Magic withdrew his Ball invitation
Marco Gumabao says Star Magic withdrew his Ball invitation


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN