Maxine Medina happy to be inspiration to gays and girls

IMAGE Noel Orsal

Maxine Medina recounts heartwarming experiences long after relinquishing Miss Universe Philippines crown: "Nakakatuwa yung mga batang beki na lalapit sila sa akin at ginagaya nila ang paglakad ko. As in, nakakaaliw sila! Tapos, may masasalubong kang ibang mga girls din na naging inspiration ka sa buhay nila ngayon."


Kahit na hindi na siya ang reigning Miss Universe Philippines, nagsisilbi pa ring inspirasyon si Maxine Medina sa maraming tao.

Kabilang na raw dito ang mga gays na umaamin na malaki ang naging impact ni Maxine sa buhay nila.

"Doon na ako naniniwala na once a beauty queen, always a beauty queen.

"Matagal ko nang naipasa ang korona ko, pero they still call me Miss Philippines kahit saan man ako makita.

"Nakakatuwa yung mga batang beki na lalapit sila sa akin at ginagaya nila ang paglakad ko.

“As in, nakakaaliw sila!

"Tapos, may masasalubong kang ibang mga girls din na naging inspiration ka sa buhay nila ngayon.

"Naiiyak na lang ako, kasi I never thought na I would become a big thing sa buhay nila.

"Kaya every time I go out, I make sure na I exude positive thoughts sa mga taong lalapit sa akin,” lahad pa ng former 2016 Miss Universe Philippines.

ADVICE FOR RACHEL. Wala na raw maipapayo si Maxine kay reigning Miss Universe Philippines Rachel Peters dahil para sa kanya ay total package na ito.

"She's everything that a beauty queen should be.

"She has the height, the beauty.

“She exudes class and is very articulate.

"Huwag lang siyang magpa-intimidate sa ibang contestants ng Miss Universe.

“But, I guess, she can stand out naman," pahayag ng former Miss Universe Philippines 2016 sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng pelikulang Spirit of the Glass 2: The Haunted noong October 12.

Sa Planet Hollywood Resorts & Casino sa Las Vegas, Nevada, gaganapin ang 67th Miss Universe sa November 26.

KEEPING IN TOUCH. Masuwerte raw si Maxine na ang Pilipinas ang host country noong nakaraang 66th Miss Universe, kaya wala siyang na-experience na pagmamaldita sa kanya ng ibang candidates.

Kuwento niya, "During my reign wala namang nagsusuplada sa akin. Maybe because dito ginawa sa bansa natin yung pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tsaka I was so friendly to every candidate.

"In fact, we still communicate with each other kasi may group kami sa WhatsUp.

"We update one another parati kahit saan man silang bansa. Lalo na kapag may bagong achievement, may 'kinasal na. Alam naming lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN