Danita Paner happy for former boyfriend Kean Cipriano; reveals new non-showbiz boyfriend

IMAGE Glenn Regondola

Danita Paner reveals recent chance encounter with ex-boyfriend Kean Cipriano and wife Chynna Ortaleza: "Actually, nakita ko sila ni Chynna sa wedding ng common friend namin. Hayun, they're so happy together. Nakausap ko rin sila, kumustahan, and may baby na sila. Happy for them."

 


Masaya si Danita Paner na ang kanyang dating boyfriend, ang singer-actor na si Kean Cipriano, ay isa nang family man at happily married na.

Nagkaroon sila ng relasyon noong 2007, at tumagal ito ng dalawang taon.

Si Kean ay mahigit isang taon nang kasal sa Kapuso actress na si Chynna Ortaleza, at meron na rin silang anak na babae, si Stellar.

Pahayag ni Danita, "Actually, nakita ko sila ni Chynna sa wedding ng common friend namin.

“Hayun, they're so happy together.

"Nakausap ko rin sila, kumustahan, and may baby na sila.

"Happy for them."

Hindi ba naging awkward ang pagtatagpo nilang yun?

Kaswal niyang sagot, "Hindi, surprisingly hindi. Hindi siya awkward.

"Siguro, after namin ni Kean, na-establish naman yung friendship, so hindi siya awkward.

"Nakaka-happy lang tingnan na happy sila."

Hindi ba siya kinantiyawan kung kailan naman siya magkakapamilya?

Natatawang sagot ng 28-year-old actress, "Ah, hindi. Kasi nung time na yun, wala pa akong boyfriend. Wala akong ka-date noon sa wedding.

"Kaya sabi ko, "Tsikahan ko na lang kaya itong ex ko. Kaya hayun."

Hindi ba siya naiinggit na meron ng 'little angel" ang kanyang former boyfriend?

Tugon niya, "Ah, hindi.

"Hindi ko pa nga nakikita [nang personal], sa photos pa lang.

"Ang cute ni Stellar!"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalagang anak ng betarang aktres na si Daisy Romualdez sa pocket presscon para sa contract signing niya sa Viva Artists Agency sa Viva office sa Ortigas Center noong October 19.

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Katulad naman ni Kean, masaya rin daw ang kanyang personal na buhay dahil meron siyang non-showbiz boyfriend sa kasalukuyan.

Pag-amin niya, "Oo, meron na. Non-showbiz. Mas gusto ko yung non-showbiz, para hindi magulo.

"Magwa-one year na kami, pero seven years din akong naging single. Ang tagal ko ring naghintay.

"Isa siyang businessman, half-Spanish, half-Pinoy."

Gusto na rin ba niyang yayain siya nitong magpakasal, lalo na nga't uso sa showbiz ngayon ang marriage proposals?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Danita, "Oh well, sana, pero huwag muna soon. Darating at darating tayo dun.

"Oo nga, lahat sila nagluluhuran. Good for them.

“Siguro six sa friends ko ang getting proposals this year."

Paano kung biglain siya ng kanyang boyfriend? Tatanggapin ba niya?

Natatawang sagot niya, "Wala pa naman, wala pa.

"Baka kung ako ang mag-propose sa kanya, bibigyan ko siya ng relo. Di ba, babae rin nagpu-propose?"

Bahagi ba ng contract sa Viva ang huwag munang mag-asawa in the next five years?

Sagot ni Danita, "Wala naman, wala naman pong ganun. Para akong 17 years old na bawal mag-boyfriend?

"Kahit kasal, wala naman, wala naman po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN