Martin del Rosario wants to shed sexy image

IMAGE Noel Orsal

Martin del Rosario wants to veer away from his sexy image and be more recognized as an actor: "Yun naman po ang gusto ko, yung makilala ako as a versatile actor. Yung kahit na anong role na ibigay sa akin, kaya kong gawin."


Hindi na mapapanood ang pagrampa ng Kapuso actor na si Martin del Rosario sa Bench underwear fashion show na Under The Stars sa Mall of Asia Arena sa November 18, dahil noong isang taon pa raw ay wala na sa naturang underwear brand ang aktor.

Isa si Martin sa umani ng maraming palakpak dahil sa pagrampa nito sa 2014 Bench Body underwear show na The Naked Truth.

Ayon sa aktor, hindi na raw na-renew ang kanyang kontrata with Bench Body kaya hindi siya makakasali sa fashion show para sa ika-30 anniversary ng Bench.

“Marami ang nagtatanong sa akin kung ano raw ang magiging pasabog ko sa Bench fashion show.

“Sinabi ko na wala ako sa fashion show kasi I’m no longer with Bench.

“But it’s okay kasi na-experience ko naman na how it feels to be part of a fashion show like Bench back in 2014.

“Kung ano ang naipakita ko noon, hindi naman iyon makakalimutan agad ng maraming nakapanood sa akin.

“Isa iyon sa pinaka-daring na nagawa ko sa career ko and okey na ako doon.

“Happy ako na marami akong napasaya that night,” pahayag pa ni Martin nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng bagong monthly GMA show na Stories For The Soul sa TESDA Fairview sa Quezon City noong nakaraang October 14.

SHEDDING SEXY IMAGE. Gusto raw naman ni Martin na unti-unti nang talikuran ang kanyang sexy image at nang mas makilala bilang aktor na kayang gawin ang anumang role.

“Yun naman po ang gusto ko, yung makilala ako as a versatile actor.

“Yung kahit na anong role na ibigay sa akin, kaya kong gawin.

“Like itong ginagawa naming episode for Stories For The Soul, it’s a modernized version of the Bible parable na The Prodigal Son.

“I play the obedient son at si Jeric Gonzales yung pasaway na anak. Our father is played by Juan Rodrigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bata pa lang ako, alam ko na ang story na ito kasi they teach Bible stories sa Christian Living classes.

“Natuwa naman ako na I get to play one of the characters in one of the well-known parables in the Bible.

“Maganda ang pag-modernize nila ng kuwento, but still faithful to the story and the message,” diin pa ni Martin.

After Mulawin Vs. Ravena, sunod na mapapanood si Martin sa bagong afternoon teleserye na may titulong Hindi Kita Iiwan, kunsaan kasama niya sina Yasmien Kurdi at Mike Tan.

“It’s all about HIV. Yung character ko rito, siya yung masama.

“Noong malaman niyang may HIV siya, marami siyang hinawaan na mga tao.

“Ganitong role ang gusto kong gawin kasi malaking challenge para sa akin.

“Talagang magagamit ko yung mga napag-aralan namin sa mga acting workshops,” pagmamalaki pa niya.

MEMORABLE ROLE. Proud din si Martin sa ginampanan niyang gay character sa isang episode ng Magpakailanman kamakailan.

“One of the best roles na nagawa ko ay yung episode sa Magpakailanman, kunsaan gumanap kami ni Inah de Belen na isang LGBT couple.

“Ako yung gay at si Inah yung tomboy.

“It’s the first time kasi na gumanap ako sa ganung klaseng role.

“Tsaka yung preparation ko for the role, ibang klase.

“They had to wax parts of my body kasi sobrang balbon ako. Especially dito sa arms, chest at legs.

“Hanggang ngayon nga po, nangangati ako kasi tumutubo na siya. First time kong magpa-wax. Mahirap at masakit pala.

“Then I have to wear makeup and a wig. Yung prep namin dun took hours. Doon ko lang na-experience na matagalan sa makeup table.

“But it was all worth it kasi ang ganda ng mga natanggap naming reviews for that episode,” ngiti pa ni Martin.

LOOKING FOR MORE ACTING CHALLENGES. Gusto ring gumawa ng maraming indie films si Martin para raw mas marami pang roles ang kanyang magampanan. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May karapatan naman siyang mangarap. Sa 2014 indie film na Dagitab, napanalunan ni Martin ang Best Supporting Actor award sa Gawad Urian.

Gumanap siya bilang student na nagkaroon ng affair sa kanyang teacher.

“Mga edgy roles na ganun ang gusto kong gawin. The more complicated role, the better para sa akin.

“Dito kasi sa business na ito, minsan ka lang makakatisod ng isang magandang role and you better grab that opportunity.

“Matagal na rin akong hindi nakakagawa ng bagong film. The last one I did was noong 2016, yung Manananggal sa Unit 23B, with Ryza Cenon.

“I am hoping to do more movies na mate-test nang husto ang pagiging aktor natin,” pagtatapos ni Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN