Eugene Domingo one of bridesmaids at Ai-Ai delas Alas-Gerald Sibayan wedding

IMAGE Noel Orsal

Eugene Domingo is very happy about being part of good friend Ai-Ai delas Alas's December wedding to Gerald Sibayan: "God is so good talaga, di ba? Imagine, pareho pa kami ni Ai-Ai na nagkaroon ng lovelife. Masayang-masaya ako para sa kanya talaga."


Isa si Eugene Domingo sa mga bridesmaids sa December wedding ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas at ng non-showbiz fiancé niyang si Gerald Sibayan.

Natuwa naman si Uge na magiging isa siya sa saksi sa pinakaimportanteng araw sa buhay ng kanyang kaibigan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Uge sa set ng Celebrity Bluff noong nakaraang October 11, sinabi nitong binalikan nila ni Ai-Ai ang tungkol sa paghanap nila ng tamang partner sa buhay.

Ngayon daw ay abot-langit ang pasasalamat nila dahil natagpuan na nila ang mga lalaking matagal na nilang pinapangarap makasama.

“God is so good talaga, di ba?

“Imagine, pareho pa kami ni Ai-Ai na nagkaroon ng lovelife.

“Masayang-masaya ako para sa kanya talaga.

“Noong mga panahon na ginagawa namin yung Tanging Ina, pareho kaming single pa sa buhay at minsan tinanong din namin sa isa’t isa kung kelan namin matatagpuan ang tamang tao na para sa amin.

“Nakakagulat lang dahil nandito na sila ngayon sa buhay naming dalawa, and we’re very happy,” pagpapasalamat niya.

PRAYING FOR GOOD VIBES. Wish pa ni Uge na sana ay tumigil na ang mga bashers and haters sa paghuhusga sa gaganaping kasal nila Ai-Ai at Gerald.

“Sabi nga nila, di ba? Haters are gonna hate.

“Pero sana maging masaya naman sila para sa kaibigan natin.

“Kung alam na lang nila ang mga pinagdaanang hirap at sakripisyo ni Ai-Ai para sa mga anak niya, maiintindihan nila kung bakit ganito siya kasaya ngayon.

“And she really deserves this kind of happiness sa buhay niya.

“Kaya let’s all be happy. Good vibes lang tayo,” ngiti pa ni Uge.

NO WEDDING PLANS YET. Noong nakaraang buwan, nag-celebrate ng first anniversary bilang magkarelasyon sina Uge at ang Italian boyfriend niyang si Danilo Bottoni.

Pero nilinaw niyang wala pa sa plano nila ang magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami pa raw silang gustong gawin, tulad ng pag-travel sa iba’t ibang bansa.

Lahad niya, “Napag-uusapan naman namin, pero hindi siya agad-agad na gagawin namin sa ngayon.

“Ang gusto namin talaga is to travel the world.

“Ako ang bahala sa trip namin sa Asia, siya naman sa Europe.

“Just recently, we went to Amsterdam. Gusto rin naming ikutin ang buong Italy.

“Marami pa kaming hindi napupuntahan doon.

“May plans din kami to explore Africa. Tapos ang Asia, marami ring magandang puntahan.

“We’re making the best out of the time na magkasama kami. Ayaw naming mag-waste ng time.

“Thankful ako sa GMA-7 na naiintindihan nila ang gusto ko sa buhay.

“Nagpapa-advance tapings sila ng Celebrity Bluff and Dear Uge para maging convenient para sa akin at para na rin sa staff. Yung hindi sila kinakabahan na walang mababangko.

“We make sure na sobra-sobra ang episodes para relax kaming lahat at hindi rin ako nase-stress sa pag-isip ng shows naming habang nasa bakasyon ako.”

Nakaplano na rin daw ang mga gagawin ni Uge sa darating na taon, tulad ng paggawa ng pelikula at pagbabalik sa entablado.

THEATER PROJECT. Sa February 2018 ay magbibida si Uge sa PETA adaptation ng 1983 Pulitzer Prize-winning stageplay ni Marsha Norman na ‘Night, Mother.

Pinagbidahan ito sa Broadway noong 1983 nina Kathy Bates at Anne Pitoniak. Sila Sissy Spacek at Anne Bancroft naman ang gumanap sa 1986 film version nito.

“It will be titled ‘Night, Ma for PETA.

“Ako ang gaganap sa role ng daughter na si Jessie Cates. Ang gaganap bilang Thelma Cates, who is the mother, is Sherry Lara.

“Ongoing na ang rehearsals namin, and we will do this for 36 shows.

“Masarap na balikan ang pinagmulan mo.

“Kaya paminsan-minsan, tumatanggap ako ng ganitong trabaho para bumalik ang sigla mo sa pag-arte.

“Iba kasi ang disiplina ng teatro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The last stageplay I did was Bona noong 2012 pa with Edgar Allan Guzman.

“So five years din ako napahinga sa teatro, and it’s about time na gumawa ulit tayo,” pahayag pa ni Uge.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN