Sunshine Dizon gets emotional about death of Ika-6 Na Utos stunt director Baldo Marro

IMAGE @m_sunshinedizon on Instagram / Baldo Marro on Facebook

GMA-7 actress Sunshine Dizon paid tribute to veteran stunt director Baldo Marro in an Instagram photo uploaded today, October 22. Her "Tatay Baldo" died this Sunday morning, October 22, at the age of 69. 


Nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay si Sunshine Dizon sa pamilya ng pumanaw na dating action star at stunt director na si Baldo Marro.

Sumakabilang buhay si Baldo ngayong Linggo ng umaga, October 22, sa edad na 69 dahil sa health complications.


Stories We Are Tracking

Former action star Baldo Marro dies at the age of 69
Former action star Baldo Marro dies at the age of 69

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ng GMA-7 actress ang kanyang mga karanasan bilang isa sa mga artistang tinuruan ni Baldo ng fight scenes sa Kapuso afternoon drama na Ika-6 Na Utos.

Ani Sunshine, "Baldo Marro or Tatay Baldo as I fondly call him is our Stunt Director. Siya po ang gumawa ng lahat ng madugo at nag-trending na stunt scenes sa #ika6nautos.

"Alam din ni tatay lahat ng deprensya ko sa balikat at likod pero parati nyang nagagawaan ng paraan. He also pushed me to do things na di ko pa nagawa dati.

"Pinayagan din nya ko mag stunt driving. Nalulungkot sya pag mahaba ang stunt scene tapos minsan napuputol sa editing.

"Perfectionist din sya at kadalasan ay strict dahil sa sobrang ingat na walang masasaktan sa set."

Ikinuwento pa ni Sunshine ang panahong nakatrabaho niya ang dating action star para sa 1988 Metro Manila Film Festival entry na Patrolman, kung saan naiuwi ni Baldo ang Best Actor trophy.

Aniya, "Pero ang di ko malilimutan ay nung naging anak nya ako sa pelikulang 'PATROLMAN' i was nominated for best child performer lahat sila sinabi mananalo daw ako i was only 4 or 5 years old and I expected somehow that i will win pero ibang bata ang nanalo.

"Sa sobrang iyak ko nun parang batang naagawan ng candy. Nung tinawag na si Tatay at nanalo ng Best Actor sinama nya ako on stage at ako ang pinahawak ng trophy nya at sabi sakin anak wag ka na umiyak panalo na din daw ako.

"I remember he was giving his speech ako may hawak ng award ni Tatay at feeling ko nanalo nga din ako. At yun ang di ko malilimutan kay Tatay sa lahat ng pag kakataon na nag kasama at nag katrabaho kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, ibinahagi rin ni Sunshine na pinagsisisihan niya ang hindi pagkabisita sa ospital sa kanyang Tatay Baldo.  

"Tay I only regret that na di kita nabista nung nasa ospital ka kala po kasi naming lahat nag papalakas na lang po kayo. Salamat po sa lahat ng di malilimutang mga eksena ginawa mo para samin."

Pagtatapos ni Sunshine, "Salamat at mapalad din po ako na i can call you Tatay. We love you tay and we will surely miss you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN