Kim Rodriguez hints at new showbiz suitor: "He's from another TV network."

IMAGE Kim Rodriguez OFC@Twitter

Kapuso actress Kim Rodriguez on her new showbiz suitor: "He's from another TV network. Huwag na nating i-mention ang name niya at baka… baka magkagulo lang. Basta he makes me smile every day. He treats me well and ramdam ko naman na he's sincere."


Pinagtatawanan pa rin ng Kapuso actress na si Kim Rodriguez ang balitang nabuntis siya.

Sa press launch ng pelikulang This Time I’ll Be Sweeter ng Regal Multi Media Inc., sa Valencia Events Place, noong nakaraang October 16, naka-crop top si Kim at kita ang kanyang tiyan—patunay lang na hindi siya nabuntis o nanganak.

Kahit na noong nakaraang taon pa ang issue, nagbiro na lang si Kim nang tanungin ang tungkol sa naging tsismis sa kanya.

Aminado naman ang aktres na minsan ay napabayaan niya ang kanyang figure kaya tumataba siya.

Doon na raw siguro nagsimula ang buntis issue sa kanya.

“Nagulat nga ako na nabuntis daw, nalaglag, nabuntis daw uli.

“As in, dalawang beses yata ako nabuntis.

“Hindi ko alam kung saan nanggaling iyung istorya na nabuntis ako, pero ang alam ko lang, tumaba lang ako pero hindi pa rin naman mukhang buntis.

“Kaya ngayon, balik ako sa pag-workout at diet.

“Nag-lose na ako ng weight kaya, heto, kaya ko nang ipakita ulit ang tiyan ko,” tawa pa niya.

Matagal ding hindi napanood si Kim sa isang teleserye.

Huli siyang napanood sa Destined To Be Yours.

“Dahil hindi nila ako napapanood regularly kaya naisip ng isang tao na buntis ako.

“But now, I’m doing the show G.R.I.N.D. for GMA-7 at lumalabas na rin ako sa Bubble Gang.

“Tapos, heto pa at may movie with Barbie Forteza and Ken Chan na This Time I’ll Be Sweeter.

“So, busy na ulit tayo,” ngiti pa ni Kim.

SHOWBIZ SUITOR. Tungkol naman sa personal na buhay ni Kim, single pa rin daw siya, pero kinupirma niyang may nanliligaw sa kanya ngayon.

“He’s from another TV network.

“Huwag na nating i-mention ang name niya at baka… alam n’yo na… baka magkagulo lang.

“Basta he makes me smile every day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He treats me well and ramdam ko naman na he’s sincere.

“Careful na rin kasi ako when it comes to relationships. Ayokong masaktan ulit.

“Mahirap maka-recover kasi kapag sobra kang nag-invest ng emotions mo.

“Sa guy na ito, we take it slowly. One day at a time.

“Hindi na yung kami na agad-agad.

“Like what I said, nag-iingat na akong huwag masaktan ulit,” diin niya.

Di man niya pinangalanan, tinatantyang ang tinutukoy ni Kim na nakasakit sa kanyang damdamin ay ang aktor na si Kiko Estrada, na na-link din kay Barbie Forteza.

QUASHING RUMORS. Pinabulaanan naman ni Kim ang balitang isang young politician daw ang dine-date niya.

Ang balita pa ay binigyan daw siya ng negosyo ng politician na ito.

May ilang sasakyan din daw si Kim at yung iba ay pinapa-Uber niya.

“Saan naman po nanggaling ‘yan? Parang ang yaman ko naman pala!” sabay tawa niya.

“Ang alam ko po, isa lang ang ginagamit kong sasakyan.

“Kung ano po ang ginagamit ko sa tapings at sa personal na lakad ko, one car lang po.

“Ang business po kasi ng family ko is nagba-buy and sell ng sasakyan.

“At wala po akong pinapa-Uber na mga cars.

“Wala po akong dine-date na politician din.

“Sino raw siya?

“Sana makilala ko para magpasalamat ako sa mga pinapa-Uber ko raw na mga kotse!” tawa pa ulit ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN