Maine Mendoza reactivates Twitter account

IMAGE @@mainedcm on Twitter

Maine Mendoza is back on Twitter after almost five months. She deactivated her Twitter account last June 2 to distance herself from the mounting negativity among AlDub fans. Today, Sunday, October 22, Alden Richards and Maine Mendoza attended the AlDUb Nation Festival 2017 held at the SMX Convention Center in Pasay City.


Nagbalik na sa Twitter ang GMA-7 actress/host na si Maine Mendoza.

Sa kanyang pagbabalik, nagpasalamat ang phenomenal star at Dubsmash Queen sa mga fans nila ni Alden Richards sa walang sawa nitong suporta lalo na sa mga dumalo sa AlDUb Nation (ADN) Festival 2017 na ginanap ngayong Linggo, October 22, sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Ito ang ikalawang beses na ginanap ang AlDub Nation Festival.

Kalakip ng tweet ni Maine ay ilang litrato kuha mula sa nasabing event.

Sulat ni Maine, "Thank you very much, AldubNation! Salamat sa suporta at pagmamahal na walang sawa niyong binibigay! ? #ADNFestival2017"

Nitong nakaraang September 29, unang ibinalita ni Maine ang kanyang planong bumalik sa Twitter at sinabing may proyekto lang itong inaantay na matapos.

Matatandaang pansamantalang nag-deactivate si Maine ng kanyang Twitter account noong June 2 dahil nais umano nitong iwasan ang mge negatibong komentong nababasa mula sa kanyang mga followers at maging sa mga fans din nila na nag-aaway-away.

Sulat ng Eat Bulaga host, "It’s just lately, some of the fans are the ones to start and engage in conflict; until things start getting blown out of proportion. It’s gotten to the point where fans are quarelling with fans too, and not with bashers anymore."


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza promises to return to Twitter soon
Maine Mendoza promises to return to Twitter soon
When will Maine Mendoza reactivate her Twitter account?
When will Maine Mendoza reactivate her Twitter account?
Maine Mendoza reveals reason for deactivating her Twitter
Maine Mendoza reveals reason for deactivating her Twitter

Samantala, kasama rin ni Maine na dumalo sa nasabing event ang love team partner nito na si Alden Richards. 

Nagpahayag din si Alden ng pasasalamat sa walang-sawang suporta na natatanggap nito sa kanilang mga tagahanga.

Tweet ni Alden, "Thank you ALDUBnation. ???? #ADNFestival2017 ????????"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN