Singer Jona's father passes away

IMAGE Instagram (@jona_viray)

ABS-CBN singer Jona Viray (left) loses her father (right photo) after his more-than-one- month stay in the intensive care unit because of a stroke.


Pumanaw na ang ama ng Kapamilya singer na si Jona Viray.

Si Fernando Viray ay namatay nitong Linggo, Oktubre 22, dahil sa stroke secondary to rhino mucormycosis. Siya ay 51 years old.

Ayon sa emedicine.com, ang rhino mucormycosis ay "rare opportunistic infection of the sinuses, nasal passages, oral cavity, and brain caused by saprophytic fungi."

Sabi rin dito: "The infection can rapidly result in death."

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng 27-year-old singer ang malungkot na balita tungkol sa pagyao ng ama.

Kalakip ng larawan ng ama ay ang mensahe ng pamamaalam ng ASAP performer.

Mensahe ni Jona: “Rest in peace Daddy... You are now with our Creator...

“We love you so much... We will miss you... Please talk to me in my dreams and embrace me tightly as I sleep...

“Love you so much Daddy...”

Hunyo ng kasalukuyang taon nang ibahagi ni Jona na sumailalim sa operasyon ang ama dahil may mass na nakita sa kaloob-looban ng sinus nito na malapit sa utak.

Higit isang linggo na ang nakalilipas, nag-post din sa social media si Jona at humihiling na ipagdasal ang kanyang ama pagkatapos itong isugod sa intensive care unit dahil sa stroke.

Hindi na raw responsive ang ama sa medikasyon pagkatapos nitong ma-stroke.

At pagkalipas nga ng ilang araw ay binawian na ito ng buhay.

Isang gabi bago pumanaw ang kanyang ama ay nag-guest pa si Jona sa R3.0 concert ni Regine Velasquez, sa MOA Arena, noong Sabado, Oktubre 21.

Sa November 18 naman ay magkakaroon ng sariling concert si Jona, na may titulong Prima Jona, sa The Theatre at Solaire.


Stories We Are Tracking

Jona Viray asks for prayers for dad now in the ICU
Jona Viray asks for prayers for dad now in the ICU


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN