Ina Raymundo hits basher over "malaki puson niya" comment

Ina Raymundo, 41, responds to a basher who criticized her after she posted a short video showcasing her figure (right photo). 


Nakipagpalitan ng komento si Ina Raymundo sa isang netizen matapos siyang punahin nitong "malaki ang puson."

Nitong weekend ay nag-post si Ina sa Instagram ng maiksing video ng pagrampa niya.

Nagkomento rito ang IG user na si @jen_florentino: "Malaki puson niya."

Hindi ito pinalampas ng 41-year-old actress.

Buwelta ni Ina sa netizen: “So ano ngayon?”


Sagot naman ng netizen, maganda pa rin daw ang La Luna Sangre actress, subalit “malaki naman talaga” ang puson nito.

Hamon ni Ina sa basher, "Your tummy must [be] so flat. Let me see."

Sagot ng netizen, “For sure.”

Sinabi ni Ina na tiningnan niya ang profile picture ng netizen at ginamit pa ang hashtag na “#angperfectmo”


Muling sumagot ang basher at sinabing walang sinuman ang perpekto.

Pinaalalahanan din niya ang aktres na dapat ay handa itong tumanggap ng pagpuna kapag nag-post ito ng kanyang mga larawan sa social media.

Maikling sagot ni Ina, “Oh I’m having a blast!”



Samantala, in-edit ni Ina ang caption ng kanyang post at dito'y siya na mismo ang tumukoy sa kanyang puson.

Aniya, "Peeps! I’m not preggers! The reason I have a bulge in my tummy is because I haven’t exercised since Tuesday!" 

Hindi ito ang unang pagkakataong nakaranas ng panlalait mula sa netizens si Ina.

Taong 2015, nag-post si Ina ng larawan niyang naka-one piece bikini.

Ilang netizens ang nagsabi sa aktres na maitim ang kanyang kili-kili.

Hamon naman ni Ina: "Patingin ang mga kili-kili n'yo."


Stories We Are Tracking

<p>Ina Raymundo accepts apology of a basher</p>

Ina Raymundo accepts apology of a basher



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN