Luis Manzano laughs off question about engagement to girlfriend Jessy Mendiola: "Hindi pa."

IMAGE Courtesy: @luckymanzano on Instagram

Tinawanan lamang ni Luis Manzano ang tanong kung nag-propose na ba siya sa girlfriend na si Jessy Mendiola habang nasa bakasyon sila sa Japan. 


Last week ay nagbakasyon sa Japan ang magkasintahang sina Luis Manzano, 36, at Jessy Mendiola, 24.


Lagpas isang taon na rin ang kanilang relasyon, kaya marami ang naghihintay kung kailan magle-level up ang kanilang relasyon.

Maging ang mga magulang ni Luis na sina Congresswoman Vilma Santos at Edu Manzano ay tila naiinip na sa kanyang paglagay sa tahimik.


Stories We Are Tracking

Vilma Santos reveals why she likes Jessy for son Luis
Vilma Santos reveals why she likes Jessy for son Luis

Sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong Lunes, October 23, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis kung nag-propose na ba siya kay Jessy habang nasa Japan sila.

Sagot ni Luis, “Hahahaha. Hindi pa.”

Samantala, nilinaw ni Luis na nagkaproblema lang ang Instagram ng kasintahan at hindi ito nagbura ng kanyang account (@senorita_jessy).


Pahayag ng I Can See Your Voice host, “Nagkaproblema lang ‘ata, kagabi pa ganyan account niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN