Regine Velasquez admits to losing confidence after Silver concert

IMAGE Instagram photo of Mall of Asia Arena

Aside from losing her voice, Regine Velasquez admitted that she also lost her confidence after her 2012 Silver concert. Last weekend, during her R3.0 concert, she told the audience: "I have been so scared of this concert because I don't know kung saan ko pupulutin yung confidence ko. Hindi ko talaga alam." In the end, Asia's Songbird proved that she is still the premiere female singer in the country.


Naging matagumpay ang two-night R3.0 concert ni Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena nitong weekend, October 21 at 22.

Sa unang gabi ng concert, inamin ng Asia's Songbird sa mga manonood na natakot siyang gawin ito dahil sa nangyari sa Silver concert niya noong November 16, 2012.

Matatandaang nawalan noon ng boses si Regine dahil dinapuan siya ng virus.

Bagamat wala pa sa halos 50 percent ang kanyang boses noon, itinuloy pa rin ng local diva ang kanyang 25th anniversary concert.

Ngunit hindi niya nagawang tapusin ang concert dahil hindi na talaga kinaya ng boses niya.

Nangako naman si Regine na kapag magaling na siya ay magku-concert siyang muli, at sa pagkakataong ito ay libre na.

At tinupad nga ito ng Asia's Songbird nang itanghal niya ang Silver Rewind noong January 5, 2013.

Read: Regine Velasquez cuts Silver concert short after losing voice

Read: Regine Velasquez soars to new heights in Silver Rewind concert

MEMORABLE CONCERT. Sa unang gabi ng kanyang 30th anniversary concert, noong October 21, nagbalik-tanaw si Regine sa nangyari sa kanyang Silver concert.

Pahayag ng 47-year-old diva, “You know, even though some unfortunate things happened in that concert, it was very memorable for me.

“You know why? Because all of you were there.

"I need it, believe me, so thank you."

Patuloy ni Regine, “I have to admit that, after that concert, I was actually never the same again.

“I didn't only lose my voice, I lost my confidence.

“Ever since Silver, it's been a struggle for me 'cause, inside, I was thinking maybe I lost it.”

May ilang fans ang sumigaw at kumontra sa sinabi ni Regine.

May halong birong sagot niya, “No, it's true. I'm trying to be honest, puwede? Puwede, puwede?”

Kaya naman bago ang R3.0, natatakot daw siya sa kung anong maaaring mangyari.

Kuwento niya, “Kaya itong pagko-conceptualize ko ng bagong show na ito, hindi lang ako nagpapahalata sa buong staff, sa kapatid ko [Cacai Velasquez-Mitra], kay Direk [Paolo Valenciano].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it has been a journey for me. I have been so scared of this concert because I don't know kung saan ko pupulutin yung confidence ko. Hindi ko talaga alam.

“Kasi, I think, at that time, I didn't mind losing my voice. But when you lose your confidence, it's different.”

Gayunman, hindi hinayaan ni Regine na mangibabaw ang pangamba.

Saad niya, “But then, I realized, maybe that's the whole point of everything.

“I'm trying to find myself confidence, but maybe I'm not supposed to.

“I'm not supposed to find confidence because all I have to do is have faith that I can do this.

“I can do this through Christ who gives me the strength, the power, the confidence for this.

“So, tonight, I'm just gonna enjoy the hell of it!”

CONCERT HIGHLIGHTS. Nagmistulang selebrasyon ang sold-out 30th anniversary concert ng Asia's Songbird na dinaluhan ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at hukbo ng mga tagahanga.

Tulad ng inaasahan, dalawang napakagandang concerts ang inihatid ni Regine para sa mga masugid na tagahangang naghintay sa kanyang gumawa muli ng major solo concert.

Ilang beses na standing ovation at matinding palakpakan ang ibinigay ng mga manonood kay Regine sa una at pangalawang gabi ng concert.

Sa unang gabi, isa sa mga hindi malilimutang segment ng concert ay ang mala-showdown ni Regine sa young divas na sina Angeline Quinto, Julie Anne San Jose, Jona Viray, Aicelle Santos, at Morissette Amon.

Ang young singers na ito—na mapagparayang tinawag ni Regine na “new queens”—ay nakipagbiritan sa kanya sa popular versions ng mga kantang “Say That You Love Me,” “On the Wings of Love,” “Shine,” “I Don't Wanna Miss A Thing,” at “Sometime, Somewhere.”

Sa ikalawang gabi, ka-duet naman ni Regine ang ipinakilalang niyang “superstar”—si Sarah Geronimo.

Kinanta nila ang OPM classics na “Sana Maulit Muli,” “Ikaw,” “Dadalhin,” at “Maghintay Ka Lamang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parehong gabi, sinamahan din si Regine ng balladeers na sina Erik Santos, Jed Madela, at Mark Bautista.

Sinorpresa naman ni Regine ang kanyang fans sa reunion nila nina Donna Cruz at Mikee Cojuangco.

Kinanta ng tatlo ang theme song ng 1996 movie nilang DoReMi, kasama ang five-year-old son ni Regine na si Nate.

Ito ay bilang pagbibigay-pugay ni Regine sa yumaong music producer ng kanilang pelikula na si Margot Gallardo.

Siyempre pa, may segment ding inilaan para makasama ni Regine ang kanyang asawang si Ogie Alcasid.

Ang batikang singer-songwriter ay nag-compose ng ilang kantang ginamit na theme song para sa mga pelikula ni Regine.

Naging madamdamin naman ang ginawang pag-alala ng singer-actress-TV host sa kanyang yumaong ama, na kilala sa publiko bilang si Mang Gerry.

Maganda ang ginawa ng concert director na si Paolo Valenciano para sa duet ng mag-ama sa kantang “You'll Never Know.”

Sinabayan ni Regine ang lumang video clip kung saan makikitang kumakanta si Mang Gerry.

Sa ikalawang gabi, kasama na ni Regine sa performance na ito ang kanyang inang si Teresita Velasquez.

Samantala, hindi napigilan ni Regine ang mapaluha nang kantahin ang bago niyang awitin na “First Man in My Life,” na para sa yumaong ama.

Ang kantang ito ay kasama sa bagong album ni Regine na R3.0 din ang title.

Bilang pagtatapos sa unang gabi, isang powerful performance sa mga kantang “Go The Distance” at “Love Me Again” ang iniwan ni Regine sa mga manoood.

Sa ikalawang gabi naman, tinapos ni Regine ang kanyang hindi malilimutang anniversary concert sa pamamagitan ng kantang “What Kind of Fool Am I.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN