Comedian Atak arrested for allegedly kissing, groping hotel-casino employee

IMAGE Noel Orsal

Comedian Atak Araña, 45, was arrested for allegedly kissing, hugging, and groping an Okada Manila employee.


Inaresto ang komedyanteng si Ronie “Atak” Araña matapos ireklamo ng isang bell attendant sa isang casino resort and hotel sa Parañaque City.

Base sa ulat ng Manila Bulletin ngayong Lunes, October 23, inireklamo si Atak, 45, ni Mark Christian Macavinta, 21, attendant sa Okada Manila, dahil sa diumano’y paghalik at panghihipo sa kanya ng komedyante.

Kinilala ang komedyante ni Chief Senior Superintendent Victor Rosete ng Parañaque police.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, inihatid ni Macavinta si Atak sa kanyang complimentary room, Room 725, sa seventh floor ng Okada Manila, dakong 2:40 ng hapon, ngayong araw.

Pagpasok nila sa kuwarto, isinara umano ni Atak ang pinto at bigla na lang niyakap at hinalikan ang complainant.

Hinipuan din umano ni Atak si Macavinta, na nagpumiglas at itinulak ang komedyante.

Nagawang makalabas ng kuwarto ni Macavinta at agad isinumbong ang insidente sa security personnel ng Okada Manila, na tumawag naman ng pulis.

Dito na inaresto ng mga pulis si Atak.

Ayon pa kay Rosete, nanggaling umano si Atak sa Bacolod at dumiretso sa Okada Manila upang maglaro sa casino.

Hindi raw nakainom ang komedyante.

Dinala sa himpilan ng Parañaque Police si Atak at sasampahan umano ng reklamong acts of lasciviousness.

Napapanood si Atak sa ilang GMA-7 programs, kagaya ng Sunday Pinasaya at Dear Uge.

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa kampo ni Atak upang kunin ang panig nito, subalit wala pa kaming nakukuhang sagot.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Atak kaugnay ng ulat na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN