Kiray Celis quashes questions about Kirst Viray's sexuality: "Malabo."

IMAGE Arniel Serato / Courtesy: @kirstviray on Instagram

Comedienne Kiray Celis on status of relationship with model Kirst Viray: "Ayoko kasi na porke't gusto ng mga tao na kami, kailangan maging kami alam mo yun? Happy naman. Masaya naman."


Ginulat nina Kiray Celis at Kirst Viray ang marami nang sabay silang dumating sa Star Magic Ball 2017 noong September 30.

Akala kasi ng iba ay natuldukan na ang magandang samahan ng dalawa dahil matagal silang hindi nagpu-post sa social media ng mga larawan nilang magkasama.

Ngunit paglilinaw ng 22-year-old comedienne, walang problema sa kanila ni Kirst.

Pero ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ng 26-year-old model?

Pabirong sagot ni Kiray habang humahalakhak, “Like, we’re happy!”

Nililigawan ba siya ni Kirst?

Tugon ni Kiray, “Hindi, walang ganun. I mean, we’re friends. We’re good friends.”

Umaasa ba siyang ligawan siya ni Kirst?

Natatawang tugon niya, “Sa aming dalawa, mas siya... I mean, walang meron sa amin.

“Kung ano kami, masaya kami, and hindi kami parang umaarte para sa mga tao.

"Like, pag nakikita mo kaming magkasama, kasi gusto namin magkasama, hindi dahil para sa mga tao.

“Hindi, e. Hindi ako umaasa.

"Ganun pa rin naman ako, naghihintay ako sa tamang tao, tamang panahon, hindi ako nagmamadali.”

RUMORS ABOUT KIRST. Samantala, may mga ilang nagdududa sa pagkalalaki ni Kirst.

Ngunit agad na pinabulaanan ng Kapamilya comedienne ang mga usapin tungkol sa modelo.

Sabi ni Kiray, “Alam mo, si Kirst, kasi siya yung taong sobrang friendly.

"Hindi ‘yan namimili—bakla, tomboy, lalaki, o babae. Sobrang friendly niya.

"Minsan nag-aaway kami palagi, kasi sobrang friendly niya, hindi na tama.

“Kahit kanino, hindi siya namimili ng kabibigan.

"Kaya siguro kapag may kasama siyang bakla, iniisip na ganun din siya.

"Pero hindi, malabo."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa White Chucks Party, na ginanap sa Le Rêve Events Place, sa may Quezon City, Lunes ng gabi, October 23.

LABEL? Bakit ayaw niyang bigyan ng label ang relasyon nila ni Kirst?

Tugon ni Kiray, “Pangit kasi na ipipilit kami para lang sa mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Importante yung gusto namin, yung kami yung nakakaramdam kaysa parang maramdaman lang ng mga tao.

“I mean, kung totohanin man yun, mas magandang nararamdaman namin talaga.”

Dagdag pa niya, “Basta happy kami.

"It’s not about the label naman, e. It’s how you care sa ano mo [friend]."

Patok sa publiko ang tambalan nila ni Kirst. Ang karamihan nga sa kanilang fans ay gustong sila ang magkatuluyan.

Pero ayaw ni Kiray ng ganito.

Paliwanag niya, “Ayoko kasi na porke’t gusto ng mga tao na kami, kailangan maging kami alam mo yun?

"Happy naman. Masaya naman."

Dagdag pa niya, "Mabait si Kirst, sobrang mabait ni Kirst."

Ano naman ang masasabi ni Kiray na ang tawag sa tambalan ay "Kiki" dahil parehong Ki ang unang dalawang letra ng kanilang mga pangalan?

Natatawang sagot niya, “Oo naman, matagal na.

"Nung kay Kean Cipriano pa, KiKi loveteam na, e."

Biro pa ni Kiray, “Sobrang hilig ko sa KiKi, e.

"Hindi ko nga alam, e, feeling ko, next time…

"Pero at least, masaya naman ako kay Kirst.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN