Kiray Celis reacts to Xander Ford's transformation

IMAGE Arniel Serato / @iamxanderford on Instagram

Kuntento na raw si Kiray Celis sa kanyang hitsura at wala siyang balak magparetoke, katulad ng kaibigang si Marlou Arizala—na ngayon ay kilala na sa pangalang Xander Ford. 


Kaibigan ng Kapamilya comedienne na si Kiray Celis ang social media sensation na si Marlou Arizala, na ngayon ay kilala na bilang si Xander Ford.

Pero ayon kay Kiray, hindi pa sila nagkikita mula nang sumailalim si Xander sa cosmetic surgery.

Naniniwala ako na lahat ng Inaapi tulad ko ay ina angat. ???????? - XanderFord

A post shared by Xander Ford (@iamxanderford) on

“Hindi ko pa nami-meet si Xander.

"Si Marlou lang yung kaibigan ko, pero hindi ko pa nami-meet si Xander," sabi ni Kiray nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters, sa White Chucks Party, kagabi, October 23.

Sa tingin ba niya ay gumuwapo si Xander pagkatapos nitong magparetoke?

Tugon ni Kiray, “Oo naman... sabi niya. Sabi niya, di ba?

"At least, ako, masaya ako para sa kanya.

"At least na-achieve niya yung gusto niyang look.”

Siya ba ay naisip ding sumailalim sa cosmetic surgery?

Ayon sa 22-anyos na komedyana, “Super happy ako kahit hindi ako pretty, nagaganito ko [nababali] yung nose ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN