Piolo Pascual and Joyce Bernal donate P1.5M to help rebuild Marawi

IMAGE Instagram photo of Robin Padilla

Robin Padilla thanks Piolo Pascual and Joyce Bernal for supporting Tindig Marawi: "Maraming-maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino."


Nagbigay ng tulong-pinansiyal ang magkaibigang Piolo Pascual at Joyce Bernal para sa rehabilitasyon ng Marawi City, na labis na napinsala dahil sa pag-atake ng teroristang Maute.

Sa pamamagitan ng action star na si Robin Padilla, na nangunguna sa pagkalap ng pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi, nagbigay si Piolo ng isang milyong piso at si Direk Joyce naman ay nag-abot ng P500,000.

Sa Instagram post ni Robin ngayong Martes, October 24, ibinahagi niya ang pagbibigay ng malaking donasyon ng dalawang kasamahan sa industriya.

Lahad ng action star “Pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa marawi.”

Ang Spring Films nina Piolo at Direk Joyce ang producer ng blockbuster movie na Kita Kita, na pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Tinatayang umabot na sa P320 million ang kinita ng Kita Kita.

Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya.. Hindi ko masabi na religious act ang ipinakita nila sa akin ngayon gabi ng ika 23 ng oktubre 2017 sapagkat maraming religious na tao pero walang act na ganito..pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa marawi. 1million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual @piolo_pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal @direkbinibini. Maraming maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino..mabuhay kayo aking mga kaibigan!! Mabuhay ang inyong Mga ispiritu !! Dasal koy kumalat ang mga #spiritualact ng bawat Pilipino upang manaig ang ating lahing pagkaTagalog!! .. "Sa salitáng tagalog katutura’y ang lahát nang tumubo sa Sangkapuluáng itó; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din. (The word tagalog means all those born in this archipelago; therefore, though visayan, ilocano, pampango, etc. they are all tagalogs.

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Lubos ang pasasalamat ni Robin sa ginawang pagtulong nina Piolo at Joyce, hindi lamang pinansiyal kundi pati ang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa Tindig Marawi.

Pahayag niya, “Maraming maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino..mabuhay kayo aking mga kaibigan!!”

Noong Agosto, nagbigay na ng P5-million donation si Robin para sa mga kabataang naapektuhan sa pag-atake ng mga terorista sa Marawi.


Stories We Are Tracking

Robin Padilla donates P5M for Marawi children
Robin Padilla donates P5M for Marawi children


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN