Robin Nievera and Zia Quizon not in a hurry to settle down

IMAGE Robin Nievera Instagram

Robin Nievera is all praises when it comes to the talent of his girlfriend Zia Quizon. "Yung song na 'To Love Somebody' with Zia—that's hers. I'm just a background [vocal]. It was a very good song, she picked it and we just learned it," says Robin about their cover of the classic Bee Gees song.


Isang taon na ang relasyon nina Robin Nievera at Zia Quizon, pero wala pa naman daw silang planong magpakasal.

Kahit sunud-sunod ang engagement proposals ng ilang showbiz couples, ayaw raw nilang makiuso.

Kabilang sa showbiz couples na nakatakdang magpakasal ay ang ina ni Zia na si Zsa Zsa Padilla at fiancé nitong si Conrad Onglao.

Kamakailan lang din ay napabalita ang engagement ng longtime couples na sina Iza Calzado at Ben Wintle, at sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Pahayag ni Robin tungkol sa pag-aasawa, "No, not yet. Hindi.

"And even if we do, you won't know that!" 

Nasa mabuting estado naman daw ang relasyon nila ni Zia.

"We're good. We're very good."

Aprubado rin ng kanilang mga magulang ang kanilang relasyon.

Si Robin, 30, ay anak nina Concert King Martin Nievera at Concert Queen Pops Fernandez.

Si Zia, 26, ay anak ng Divine Diva na si Zsa Zsa sa yumaong Comedy King na si Dolphy.

SUPPORTING EACH OTHER'S CAREERS. Malaking inspirasyon daw si Zia sa music ni Robin.

Bagamat hindi sila nakikialam sa career ng isa't isa, lalo na't magkaiba sila ng genre.

Ani Robin, "She's a member of one of the best jazz bands we have in the country. Basta, they're very good."

Ang tinutukoy ni Robin ay ang bandang Extrapolation, kung saan isa si Zia sa mga bokalista.

Patuloy niya, supportive daw sila ni Zia sa career ng isa't isa.

Nang mag-guest si Zia noong isang taon sa radio station na Wish 107.5, kung saan DJ si Robin, kinanta ng real-life couple and Bee Gees' hit na "To Love Somebody."

Umani ito ng positibong reaksiyon mula sa netizens, kabilang na sa foreign YouTube vloggers na gumawa pa ng reaction videos sa kanilang performance.

Ibinigay naman ni Robin ang credit kay Zia para sa kanilang cover.

Aniya, "Yung song na 'To Love Somebody' with Zia—that's hers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm just a background [vocal].

"It was a very good song, she picked it and we just learned it."

LOVE FOR GUITAR. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer/guitarist/DJ sa press launch ng Himig Ng Panahon: A Guitar Competition. 

Gaganapin ang finals nito sa La Casas Filipinas de Acuzar, sa Bagac, Bataan, sa November 18.

Ang kumpetisyon na ito na sinusuportahan ni Robin ay bukas para mga mga gitarista, propesyunal man o hindi, 13-35 years old, na hindi nakapirma sa anumang label at professional management.

Inalam namin kung bakit ganun na lang siya ka-supportive sa mga katulad nitong guitar competition.

Paliwanag ni Robin, "When I was a kid, my mom would ask me to play sa concert niya.

"I dont know how to play, so I don't wanna pretend.

"So, Cesar Aguas and Tito Noel [Mendez] taught me.

"So that would be 'You' by Carpenters, Ronan Keating song, yung 'When You Say Nothing At All.'"

Sina Cesar Aguas at Noel Mendez ay mga batikang gitarista sa bansa.

Si Cesar ay naging bahagi ng Pilipinas Got Talent at The Voice Philippines bilang band member.

Si Noel naman ay isang session guitarist at dating miyembro ng bandang HAYP. 

Isa si Noel sa magiging hurado sa Himig ng Panahon.

Patuloy ni Robin, "They taught me, so every time I have guitar questions, I ask them.

"So, anything they would ask me, I will help 'cause they helped me when I was much, much younger.

"Today, I play a lot of rock and roll, a lot of blues."

Paano naman niya kinahigilan ang pagtugtog ng gitara? 

Ito ba ay dahil sa impluwensiya ng mga magulang niya?

Sagot ni Robin, "No. 'Cause I was lazy.

"I went to a private school and the music course for that school, you have to pick... singing, piano, and other one is guitar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And that was fun. I liked it, and I really enjoyed it.

"That's the only fun thing I enjoyed when I was twelve [years old]."

Dahil tanyag na singers ang kanyang mga magulang, inamin ni Robin na ito ang dahilan kaya hindi niya piniling kumanta noong bata pa siya.

Aniya, "I dont want to sing before 'cause you will all ask me to sing.

"But I sing now. And there's no difference, though.

"Maybe because I was in denial.

"I don't like to sing like my mom and dad 'cause I know people will ask me to sing like them."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN