Joshua Garcia reacts to Julia Barretto's admission she's in love with him

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia does not say if he and Julia Barretto are officially boyfriend-girlfriend, but admits they are in love: "Maganda nga yun, e. Isa yun sa dahilan kung bakit na-inspire kaming magtrabaho. Isa siya sa mga dahilan nang paggising mo."


Hindi maitago nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang kilig na dulot ng patuloy nilang pagkakamabutihan.

Patunay nito ang pagdalo ni Joshua sa birthday celebration ng half-sister ng aktres na si Dani Barretto noong Sabado ng gabi, Oktubre 21.

Dito ay hindi inaasahang napaamin si Julia na “in love” siya kay Joshua.

Base ito sa Instagram story ni Erich Gonzales, close friend ni Julia, na naroon din sa birthday party ni Dani.

Kinunan ni Erich ng video sina Julia at Joshua habang nakatayo sa tabi ng buffet table.

Sabi ni Julia patungkol kay Joshua, “Gwapo, no?”

Natatawang hirit ni Erich, “Whoa! I think she’s in love.”

Pagkumpirma ni Julia, “I think so, too!”

HAPPILY "IN LOVE." Ngayong araw, Oktubre 24, inihayag ni Joshua na masaya siyang marinig mula kay Julia kung ano ang nararamdaman ng dalaga para sa kanya.

“Wala namang masama. Masaya ako siyempre,” kinikilig na pag-amin ni Joshua.

Napapangiti si Joshua, 20, habang sinasabi na aminado siyang may pagmamahalan sa pagitan nila ni Julia, 20. 

Ngunit kapansin-pansing pilit na umiiwas ang dalawa sa pagkumpirma na opisyal na silang magkarelasyon.

Patuloy ng The Good Son actor, “Pero wala naman masama kung in-love ka.

“Maganda nga yun, e. Isa yun sa dahilan kung bakit na-inspire kaming magtrabaho.

“Isa siya sa mga dahilan nang paggising mo.

“Masaya rin na in love ka, e. Ayun." 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling reporters sina Joshua at Julia sa presscon #LYSBforiflix, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN, Martes ng tanghali, Oktubre 24.

Dito ay inanunsiyo na mapapanood na ang Love You To The Stars And Back, ang pinagbidahang pelikula nina Joshua at Julia noong 2016, sa online streaming service ng iflix. 

JULIA'S DAD APPROVES. Ayon naman kay Julia, masaya siyang makita na boto kay Joshua ang pamilya Barretto, pati na rin ang amang si Dennis Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang si Joshua ang unang lalaking ipinakilala niya sa ama?

Sagot ni Julia, “Siya yung unang napakilala sa dad ko because I believe what we have is something good.

“Meron akong faith sa kung ano kami.

"Alam kong makakasundo siya ni Papa. So, nagkasundo naman."

Hirit ni Joshua, “Si Tito Dennis, para siyang papa ko lang—komedyante lang, mabait, pero kapag nagalit, todo. So, same sila, e.

“So, kapag nag-bonding kaming tatlo, talagang nagkakaintindihan kami.

"Kasi siyempre, para siyang tatay ko rin, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN