Anne Curtis clarifies she's not crashing the Song-Song wedding

IMAGE Noel Orsal

How far is Anne Curtis willing to go as a K-Drama fangirl? She replies, "Siguro kung alam kong may shooting, magbabantay ako sa labas ng parking hanggang sa makakita ako ng artista!"


Aminado ang actress-TV host na si Anne Curtis na isa siyang K-Drama fan.

K-Drama ang tawag sa mga teleserye mula sa South Korea, na popular sa iba't ibang panig ng mundo, kabilang na ang Pilipinas.

Kaya naman marami ang na-excite nang mag-tweet si Anne kamakailan na magbu-book sana siya sa The Shilla Seoul sa South Korea.

Ang naturang hotel ang venue ng kasal ng Korean superstars na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo, ang mga bida sa popular Koreanovela na Descendants of the Sun.

Pero nangdesisyon si Anne sa ibang hotel na lang mag-book.

Sa darating na October 31 gaganapin ang kasal ng tinaguriang Song-Song couple.

Pupunta ba si Anne?

“Hindi nga ako invited, paano ako pupunta? I wish! I wish,” sagot ng 32-year-old It's Showtime co-host.

Kaya raw siya pupunta ng South Korea ay para magbakasyon.

“Hindi ako nagpunta dun for the wedding!” natawang paglilinaw niya.

Ipinaliwanag ni Anne kung bakit nagdesisyon siyang sa ibang hotel na lang mag-book.

Lahad niya, “Kasi dapat sa The Shilla ako mag-stay.

“And then, all the fans are tagging me, kasi yung invited ng Song-Song couple, nakalagay sa Shilla, di ba?

“Parang feeling ko naman, OA naman ang pagka-fangirl ko kung doon din ako mag-stay.

“Parang na-conscious naman ako bigla kaya lumipat ako ng hotel.

“Parang feeling ko, sobrang stalker ko naman."

Patuloy ni Anne, “And I feel na that’s special and secret din for them. 

“And I feel that if it’s my wedding, I wouldn’t want random people at your wedding. And I wouldn’t do that. 

“Parang you have to respect their privacy, and I would want the same rin with me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa muling paglulunsad sa kanya bilang endorser ng Primadonna, isang local shoes brand, sa Xiu Fine Dining Cantonese Restaurant, sa Greenhills, San Juan City, noong Biyernes, October 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FANGIRL MODE. Hanggang saan ba ang kayang gawin ni Anne bilang isang K-Drama fan?

Natatawang sagot ng aktres, “Siguro kung alam kong may shooting, magbabantay ako sa labas ng parking… hanggang sa makakita ako ng artista!” 

Aminado si Anne na hindi lahat ay naiintindihan ang pagiging K-Drama fan niya. 

May ilang netizens nga raw ang nangba-bash sa kanya dahil dito.

“Oo nga, sinasabi nila baduy raw ako.

“Pero ano naman, e, it’s not for everyone.

“May mga others na Taiwanese, meron din K-Pop, meron din K-Drama, meron din telenovelas.

"So, kanya-kanya 'yan.

“Wala, you cannot do anything but understand.

“Like, lahat ng mga friends ko, they don’t understand it. 

“Hindi nila ma-gets!” sabi ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN