Rayver Cruz on real score with Janine Gutierrez: "Nanliligaw pa rin ako."

IMAGE Melo Balingit

"Nanliligaw pa rin ako, hindi naman minamadali yun. Ang importante sa akin ngayon, masaya kami pag magkasama, relax-relax lang kami," says Rayver Cruz on relationship with Kapuso actress Janine Gutierrez.


Kasama ni Janine Gutierrez si Rayver Cruz nang ipagdiwang ng Kapuso actress ang kanyang 28th birthday sa Bali, Indonesia, noong October 3.

Dahil dito, lalong lumakas ang espekulasyong may espesyal na relasyon na ang dalawa.

Ngunit paglilinaw ng 28-year-old actor, wala pa silang relasyon ni Janine at ayaw nilang madaliin ang mga bagay-bagay.

Pahayag ni Rayver, “Okay naman, pag may time, lumalabas kami.

“Sobrang busy din kasi niya ngayon, nagti-text ako kung puwedeng lumabas kami.”

Patuloy pa niya, “Nanliligaw pa rin ako... hindi naman minamadali yun.

“Ang importante sa akin ngayon, masaya kami pag magkasama, relax-relax lang kami.”

May mga bago ba siyang nadidiskubre kay Janine habang mas lalo niya itong nakikilala?

Sagot ni Rayver, “Wala naman kailangang i-discover, e.

“Kung ano ang nakikita mo sa kanya sa telebisyon, sa mga interview niya, yun siya.

“Totoong tao, mabait, masayang kasama, and very humble, sobrang down to earth.”  

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Rayver sa set ng ASAP, noong Linggo, October 22.

MOM-APPROVED. Masaya naman ang aktor sa balitang boto sa kanya ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon.

“Siyempre nakakatuwa, kasi ever since naman, mahal ko na si Ate Lot, during Spirits time pa lang.

“Hindi ko pa nami-meet si Janine, parang ate ko na siya,” pahayag ng aktor tungkol kay Lotlot. 

Ang Spirits ay ang TV series ng ABS-CBN na pinagbidahan ni Rayver noong 2005.

Nagbahagi rin si Rayver ng ilang detalye tungkol sa naging pagdiriwang nila ng kaarawan ni Janine sa Bali.

Sabi ng Kapamilya actor, “Okay naman, sumama na ako, sumunod na ako.

“Kasama naman ang mga kaibigan namin, para makasama na rin ako sa birthday niya.

“Enjoy naman, parang almost two days kami... mabilis lang.

“Gusto ko lang maki-celebrate sa birthday niya.

“Ang importante, nandun ako.”

“Masaya kasi ang dami namin.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umiwas naming magbigay ng detalye si Rayver nang tanungin kung anong regalo ang ibinigay niya kay Janine.    

“Yeah, mayroon akong gift sa kanya, pero sa amin na lang yun,” matipid na sagot ng binata.

CAREER INFLUENCE? Naging usap-usapan na malaki raw ang posibilidad na maging Kapamilya si Janine.

Si Rayver ang itinuturong may impluwensiya sa ganitong career move ng Kapuso star.

Pero paglilinaw ng binata, hindi niya pinanghihimasukan ang career ni Janine.

“Siyempre yung mga ganyang issues, hindi maiiwasan.

“Hindi ko siya tinatanong tungkol sa ganyang mga bagay.

“Gusto ko, pag kasama ko siya, hindi namin pinag-uusapan ang trabaho.

“Gusto namin masaya, lumalabas kasama ang mga kaibigan, or kasama sila Rodjun [Cruz, his brother].

“Matanda na yun, siya na bahala sa bagay na yun,” sabi ni Rayver.

Sinabi rin ng bagong management team ni Janine na inaayos na ang panibagong kontrata ng aktres sa GMA Network.


Stories We Are Tracking

Is Janine Gutierrez poised to join the Kapamilya network?
Is Janine Gutierrez poised to join the Kapamilya network?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN